"Asther pinabibigay pala 'to ni Grey sa'yo. Nakalimutang ibigay sa'yo kagabi. Hindi naman na kita tinawag sa kwarto mo at umalis din kaagad si Grey."
Kauuwi ko pa lang ng bahay galing sa eskwelahan. Medyo pagod pa ang pakiramdam. Kulang din sa tulog. Sino ba naman kasi makakatulog matapos ng pinagtapat ni Grey? Di ko tuloy alam kung paano ito pakikitunguhan pag nagkita kaming muli. Next week na kasi gaganapin ang completion rites nila kaya puspusan ngayon ang pagpapraktis nila sa eskwelahan.
Kunot noong tinanggap ko ang iniaabot ni Nanay. Isang parihabang kwadradong kahon na may laso iyon.
"Nay magpapahinga lang po muna ako. Tulungan ko po kayo magtinda mamaya," sabi ko.
"Huwag na anak! Alam ko namang pagod na pagod ka sa pag-eensayo nyo sa eskwelahan. Maiwan ka na lang dito. Ikaw na lang munang bahala dito sa bahay. Nangako ang mga kapatid mo ngayon na maagang uuwi at sila muna ang tutulong sa akin."
"Sige po, akyat na po ako."
"Hindi ka ba kakain muna?"
"Maya-maya na lang po 'Nay"
Agad kong tinungo ang silid. Naghubad ng sapatos at hinagis sa kama ang bag. Umupo sa harap ng tokador at binulatlat ang kahon na tangan. Napasinghap ako ng malakas at natutop ang sariling bibig ng makita ang laman ng kahon. It's a brand new cellphone! At hindi basta bastang cellphone 'yon. Isang kilala at mamahaling cellphone! Hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay pero alam kong Hindi basta basta ang halaga nito. Wala sa loob na binitawan ko ito. Muli kong binulatlat ang kahon. May kapirasong papel na nakadikit sa loob no'n.
Happy Birthday Baby! Hope you'll like my gift...
- Grey -
Napataas ang isa kong kilay at napanguso sa nabasa. Ano naman kaya naisipan ng lalaking ito at niregaluhan ako ng cellphone? Hindi ko ito matatanggap. Bukod sa mamahalin na ay ayaw ko na magkautang na loob dito. Bata pa lamang ay minulat na kaming magkakapatid ng aming magulang sa simple at payak na pamumuhay. Hindi namin nakamulatan ang mga ganitong bagay. Kailangan ko itong ibalik pero paano? Kinalikot ko ang cellphone. Pag on ko dito ay sakto namang nagring 'yon. May tumatawag. Unregistered number. Sinwipe ko ang answer button at inilapit ito sa tainga.
"H-hello" nag-aalangan na sagot ko sa kabilang linya.
"Finally!" Grey exclaimed on the other line. " Hi baby," masiglang bati nito.
"Grey?" napaderetso ako sa pagkakaupo.
"The one and only," at mahina itong tumawa.
"Grey," ulit ko. "Bakit mo naman ako binigyan ng cellphone? Hindi ko 'to matatanggap!"
"You deserve it. Birthday gift and advance graduation gift ko na din sa'yo," balewalang sagot niya.
"Ibabalik ko 'to sa'yo. Asan ka ba? Puntahan kita ngayon at ibabalik ko 'to," pagpupumilit ko.
"Gusto ko 'yan! Ang puntahan mo ako. Namimiss nga din kita. Kaya lang di pa tayo pwedeng magkita. I'm in Manila right now. And I'll be travelling abroad for the next few months. Matagal-tagal kitang hindi makikita. Kaya please tanggapin mo na lang yang regalo ko. Para at least kahit boses mo man lang hindi ko mamiss."
"Pero-
"Please Asther. I insist. Kung ang presyo ng cellphone ang iniisip mo kalimutan na. Walang kasing halaga ang marinig ko ang boses mo sa araw-araw. I could even give everything just to be with you right now."Rinig na rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
Napangiti ako. Napatakip sa bibig sabay napapikit ng mariin. Tumikhim muna bago muling nagsalita. May kung anong damdamin ang namumuo sa aking puso. It's making my heart happy.
"Okay...So LDF muna tayo...as in long distance friends?" pagbibiro ko.
I heard Grey chuckled on the other line. Napakagat ako sa aking hinlalaki. Aba'y mukhang kinikilig ang loko!
"It won't be long. I'll call or text you from time to time."
"Okay fine. Asahan ko yan," she said with a wide smile.
" Yes baby."
"Sige na. Sa sunod naman" paalam ko.
"Kay. Bye for now baby. I miss you."
Pinindot ko na ang off button at di na sumagot pa. Nilapag ko ang phone at sinapo ng dalawang kamay ang mukha. Nangingiting napatitig sa sariling repleksiyon sa salamin.
Oh my gosh! Tinamaan na ng ewan! Kinikilig ako. Tila nababaliw na kinausap ko ang sarili.
__________
Madaling lumipas ang mga araw. Natapos na din ang graduation. Halos tatlong linggo na din ang nakakalipas simula ng huli akong tawagan ni Grey. Paminsan-minsan nagtetext ito pero mga simpleng text lang tulad ng "Good morning!Don't skip your breakfast. Good night!" Ganun lang. Pinagkibit-balikat ko na lang. Baka sobrang busy lang talaga nito. Ayoko mang aminin pero mukhang namimiss ko na ito. Sana tawagan na niya ako. Napabuntong-hininga ako.
"Wow! Ang lalim no'n ah!" si Charlene. Galing kami ng bayan. Ngayon nga ay nakasakay na ng jeep pauwi. Nagpasama ito sa akin para mamili ng gamit para sa pasukan.
"Uy! Miss mo na 'no?!" nanunudyong wika pa nito.
Alam nito ang tungkol kay Grey. Naikwento ko sa kanya pati na rin ang tungkol sa cellphone. Nakita kasi nito 'yon ng dinala ko ito pagpasok sa eskwela. At ang bruha! Tuwang-tuwa at kilig na kilig pa!
Inirapan ko muna ito bago nagsalita." Sira! Hindi 'no?!"
Tumawa ito ng malakas. "Hindi daw pero maya-maya tumitingin sa phone niya. Bistado na kita girl! I know you so well. Duh! Tignan mo nga sarili mo sa salamin laki ng eyebags mo. Natutulog ka pa ba?"
Kunot-noong hinalungkat ko ang bag at nilabas mula roon ang isang compact mirror. Sinilip ang sarili partikular ang palibot ng mata. "Wala naman ah?"
Sa halip na sumagot ay tumawa ulit ito ng malakas.
"Kita mo conscious ka na masyado. Hahaha! Iba na yan girl!" di pa rin ito matigil sa kakatawa.
Iritadong hinila ko ito sa buhok." Tuwang-tuwa 'te?"
" Aray! Mapanakit 'te" natatawa pa ding baling nito sa akin.
"Ewan ko sa'yo!" Singhal ko dito sabay irap. Pero imbes na tumigil ay lalo lang akong tinawan. Pumara na ako at bumaba na ng jeep. Naghiwalay na kami asa terminal ng tricycle.
Di pa man tuluyang nakakapasok sa loob ng bakuran ay rinig na rinig ko na ang malalakas na tawanan galing sa loob ng bahay. Napabilis tuloy ang hakbang ko.
"Asther!" bahagya pa akong nagulat pagbukas ng pinto.
" Tita Astrid!" napatiling sigaw ko. Tumakbo ako palapit dito at mahigpit na yumakap.
" Kailan ka pa po dumating tita?"
"Kahapon pa ako sa Manila. Nagpalipas lang ako ng gabi sa hotel bago bumiyahe kaninang umaga. Kamusta ka na? Naku!dalagang-dalaga ka na. Ang ganda-ganda mo pa! Mana ka talaga sa akin! Pero siyempre mas mana ka talaga sa nanay mo," sabay tumawa pa ito.
Natatawang yumakap ulit ako ng mahigpit dito. Ang tita Astrid ang nag-iisa at nakababatang kapatid ng Tatay. Walong taon lang ang agwat nilang dalawa. Sabay din sila halos lumaki dahil simula ng mamatay ang lolo't lola niya ay kasama na nila ito sa bahay. Nag-abroad nga lang ito five years ago. At ngayon nga lang nila ulit nakita.
" Madami akong pasalubong sa'yo.' Lika dali!" hinila nito ang isang kamay ko at iginiya palapit sa balikbayan boxes na kasalukuyang hinahalungkat ng kambal. "Balita ko magkacollege ka na? Tamang tama 'tong mga damit na binili ko para sa'yo. Mamaya sukatin mo 'to lahat. Pati mga sapatos meron akong pasalubong para sa'yo," masayang kwento pa ng kanyang tita.
Napangiti ako. Hanggang ngayon di pa rin ito nagbabago. Maalalahanin at mapagbigay pa rin sa kanila. Ang alam ko nagpapadala ito ng pera sa kanyang tatay pandagdag panggastos at pambayad na din sa buwanang bayarin ng pamilya. Kusa itong nagbibigay kahit na tinatanggihan ni Tatay.
Nagpatuloy ang masayang kwentuhan at tawanan. Ang kambal naman ay sige ang agawan at unahan sa pagpili ng sapatos at mga damit mula sa balikbayan box.
---------
"Tita hanggang kelan ang bakasyon mo?" tanong ko. Magkatabi kaming nakahiga sa kama ko.
"Two weeks lang ang stay ko dito sa 'Pinas. After ng conference ay balik na ulit ako sa States."
Nagtatrabaho kasi ito bilang isang assistant manager for operations ng isang kilalang hotel abroad na mayroon ding branch dito sa Pilipinas. Nag-umpisa lang ito noon bilang isang receptionist pero ngayon may posisyon na sa hotel.
"Mahirap po ba magtrabaho abroad?" tanong ko.
"Oo,mahirap. Lalo na at malayo ako sa inyo. Malungkot kaya mag-isa. Pero sulit naman kasi malaki ang sweldo. 'Tsaka nasanay na din ako."
"Eh kung mag abroad din kaya ako tita?"
" Pwede rin naman. Basta lakasan lang ng loob. Okay naman ding sumubok. 'Tsaka malay mo nasa abroad din ang swerte mo gaya ko."
"Pag-kagraduate ko tita susubukan ko," isang ngiti ang naging ganti nito sa sagot ko.
"Siyanga pala balita ko nakapasa ka sa state university sa manila. Malayo-layo ang biyahe mo no'n. I suggest na magdorm ka na lang para di ka mahirapan sa pagbiyahe. Ako ng bahala sa tuition at monthly rent sa dorm."
Nanlalaki ang matang tumitig siya dito. " Talaga tita?" sumubsob siya sa unan at tumili. Pagkatapos ay umusog siya ng higa papalapit dito at yumakap.
"Thank you! Thank you talaga tita! Promise po pagbubutihin ko ang pag-aaral. Balang araw po maibabalik ko din po lahat ng tulong niyo sa amin," she exclaimed.
Her tita release a soft laugh." Mag-aral ka lang ng mabuti sapat na 'yong kabayaran para sa akin. Isa pa pamilya ko kayo at ang pamilya nagtutulungan."
She smiled at me again. Napakabait talaga ng tita Astrid ko. Napakalaking tulong ang iniaalok nito.