Nagyayang mamasyal si Grey matapos managhalian. Nanood ng sine at naglakad- lakad sa loob ng mall. We even ate ice cream at a famous ice cream shop. I never let him held me in my hand again. I even kept my distance. Kung hindi ako nauuna ay nahuhuli naman ako sa paghakbang. I'm still not a hundred percent comfortable with him. At mabigat pa rin ang nadarama ng dibdib ko. Isa pa, lahat halos ng kababaihan na makasalubong namin ay napapatingin sa kanya. At pag nakita na ako ang kasama niya ay tinataasan ako ng kilay. Sino ba naman kasing hindi mapapatingin sa kakisigan nito? But he did try to be a gentleman to me. Kaya di ko rin mapigilang mapangiti sa mga kinikilos niya. Yayayain ko na sana siyang umuwi ng mapadaan kami sa isang musical instrument store. A beautiful acoustic guitar in natural color displayed on the wall, caught my attention. Ang ganda! Tinignan ko ang nakalagay nitong price tag. Nalula ako sa presyo nito. It's five digits! Napakamahal! Huminto din si Grey sa gilid ko. He also stared at the guitar like what I'm doing.
" You like that guitar?"tanong sa akin ni Grey.
Nahihiyang napatango ako.
"Kaya lang di ko afford. Pag nakagraduate ako ng college magtatrabaho ako agad at bibili ako ng ganyang gitara, mga sampu!" pabirong sagot ko na sinabayan ko pa ng tawa. My mood suddenly brightens up. Well, I really love guitars. Playing it always makes me smile. Naalala ko pa noong bata pa ako, lagi kong kinukulit si Tatay na turuan ako. At kapag hindi ako napagbigyan ay umiiyak ako. I smile at that thought.
"Gusto mo pasok muna tayo sa loob tignan natin," yaya niya sa akin.
"Naku! Huwag na! Baka sumama pa ang loob ko," at mahina akong tumawa.
"Bakit naman sasama loob mo?" he asked.
"Alam mo 'yong feeling na gustong-gusto mo ang isang bagay pero di pwede kasi bukod sa di na ma-touch, di pa ma-reach! Kaya nakakasama ng loob," pagbibiro ko pa.
Pinisil nito ang kaliwang pisngi ko. " Yeah...It's like wanting to kiss those luscious pink lips of yours." Ang daliri nitong nakadantay sa pisngi niya ay banayad na humaplos sa labi niya. " But I can't...not yet." Napabuntong-hininga ito. Napanganga ako sa sinabi ni Grey. Inabot niya ang aking kanay at pinagsalikop ang aming mga daliri. Tumalikod na ito at nagpatuloy na sila sa paglalakad. Napakagat labi ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Gusto niya akong halikan sa labi? Bakit? Mas napadiin ang pagkagat ko sa aking labi sa naiisip.
Niyaya na din siya nitong umuwi. Magdidilim na. Mahaba-haba pa naman ang biyahe nila. May pasok pa siya bukas at di sila pwedeng magpagabi.
"Do you want us to have dinner first before we head home?" tanong sa akin ni Grey habang inaayos ang seatbelt niya. Nasa loob na kami ng sasakyan nito.
"Busog pa naman ako." Totoo namang busog pa ako. Nagmerienda sila kanina pagkatapos manood ng sine.
" Okay," maikling sagot nito sa akin at pinaandar na ang sasakyan.
"Ahm...Pwede ba tayong magpatugtog?"tanong ko. Naiilang ako sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ayoko namang makatulog sa biyahe dahil tinulugan ko na siya kanina. Kaya baka mas magandang magpatugtog ng music pambasag sa katahimikan.
He throw a glimpse on me. Then, he turn on the car stereo. Pumindot-pindot at naghanap ng magandang fm station.
"Wait! Stop!" pigil ko.
"Diyan na lang" sabi ko. Ang paboritong kanta ng kanyang nanay at tatay ay pumailanlang sa loob ng sasakyan. Sumandal ako sa pagkakaupo. Ang mga kamay na nasa kandungan ay nagsimulang tumapik-tapik sa ibabaw ng aking hita. Mahina ang tinig na sumabay ako sa pag-awit ng kanta. I smiled while whispering the lyrics of the song.
Pasulyap-sulyap sa akin si Grey habang ginagawa ko iyon. Nang huminto sa stoplight ay humarap ako dito. Sumapo ang isang kamay ako sa ilalim ng baba nito. Matapos ay hinaplos ko ito sa pisngi sabay kinurot.
"Aw!" Salubong ang kilay na bumaling ako sa kanya. Napabunghalit ako ng tawa sa naging reaksyon nito bago muling pinagpatuloy ang pagkanta.
Pumalakpak ito ng marahan. Nag green na ang ilaw ng stoplight kaya pinaandar na nito muli ang sasakyan.
"You really have a beautiful singing voice," puri niya sa akin.
"Thank you! Huwag mong ipagkakalat at ayokong madiscover," pabirong sagot ko.
Tumawa muna ulit ito ng malakas bago muling nagsalita.
" But seriously with your voice and looks plus your ability to play the guitar pwedeng-pwede kang maging isang recording artist".
Napailing ako sa sinabi nito.
" Yon naman ang 'di ko kaya. Ang kumanta sa harap ng maraming tao. May stage fright kasi ako. 'Tsaka di ko pangarap 'yon! Masaya lang talaga ako sa paggigitara, " sagot ko na may kasamang tipid na ngiti. Ang tatay ay isang musikero. Mahilig itong kumanta at sumali sa mga singing contest noong kabataan pa nito. Kung saan may pistahan ay nandoon din ang tatay para umawit. Doon nga daw nito nakilala ang nanay na mahilig naman manood ng singing contest sa mga pistahan. Sa kanilang magkakapatid ay ako lamang ang natulad sa tatay na mahilig sa pagkanta at abilidad sa pagtugtog ng gitara. Ngunit ang kakapalan 'ata ng mukha at lakas ng loob para tumayo sa gitna ng entablado ay hindi ko namana dito. Kumakanta at tumutugtog lamang ako ng gitara sa harap ng pamilya at malalapit na kaibigan. Maging ang mga ito ay nanghihinayang sa talento ko na malayo raw ang mararating.
Naunang bumaba ng sasakyan si Grey pagkarating namin sa bahay. Agad itong umibis ng sasakyan at inalalayan akong makababa. Matapos ay nanatili lang itong nakatayo sa harap ko. Parang may gustong sabihin pero nagdadalawang-isip.
"Asther-"
"Grey-"
Nagkasabay pa kami ng pagsabi kaya napatawa kaming dalawa.
"Ladies first," patiuna nito sa akin.
" Thank you for today," pasasalamat ko dito.
Nagkamot muna ito ng kilay bago sumagot sa akin."Wala 'yon isipin mo na lang birthday treat ko sayo. Isa pa gusto ko na ding humingi ng tawad. Sa n-nakita mo kagabi?"
Napakagat labi muna ako bago nagsalita," K-kagabi? Ahm, di mo kailangang magpaliwanag sa akin. Baka nga ako pa magpaliwanag sa girlfriend mo pag nalaman nun na kasama mo ko sa pamamasyal buong maghapon."
" She's not my girl-
Pinutol ko ang ano pa mang sasabihin nito sa paglapat ng daliri sa labi nito.
"Gaya nga ng sabi ko hindi mo kailangan magpaliwanag. Magkaano-ano ba tayo? Wala naman di ba?"
"That's why I'm telling you this because I want to court you. But not now. Like what I've said earlier when the right time comes I'll pursue you," mataman itong nakatitig sa mata ko habang nagsasalita.
Hindi ko alam kung anong sasabihin dito. Nakakabingi ang lakas ng t***k ng puso ko. Nararamdaman ko din ang tila paglipad ng sampung paruparo sa loob ng tiyan ko.
Ginagap nito ang aking mga kamay. " When the right time comes I'll pursue you," itinaas nito ang aking kamay na tangan at dinala sa kanyang bibig. He landed a soft kiss on it. Tila napapasong hinila ko ang aking kamay. I don't know how to react. Ramdam ko ang pagdaloy ng tila kuryente sa aking balat sa paghalik niya sa aking kamay. At mas lalong hindi ko alam ang sasabihin sa mga binitawan niyang salita.
"P-pasok na ako!" imbes ay paalam ko dito. Dali-dali akong naglakad papasok ng bahay at di na lumingon pa sa kanya.
----------
-Grey-
Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan si Asther pumasok ng bahay nila. Court her? Pursue her? Damn! Never pa niyang ginawang manuyo ng babae. Ni hindi ko nga alam kung paano manligaw. Sanay akong ako ang nilalapitan ng kababaihan at nililigawan. Napasandal ako sa kotse at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Nangingiting napapailing ako sa sarili. There's just something about this girl that making me disoriented. From the way she smiles to the way she talks and even the way she flips her hair. Makes him want to cage her into his warmth and captivate those sweet smile of her inside his mouth. Pero hindi pa pwede. Marami itong pangarap sa buhay para na rin sa sarili at sa pamilya. Makukuntento na lamang muna siya sa paghawak sa mga kamay nito at simpleng paghalik sa pisngi. Hihintayin ko na dumating ang tamang oras para sa amin. I'm not usually like this. I can get a girl without even lifting a finger if I want too! Pero sa kanya, nauubusan ako ng salita at natotorpe. I'm so damn! Muli akong bumuntong-hininga at nagpasyang sumakay na ulit sa kotse ng may biglang maalala.
Binuksan ko ang pinto sa bandang likuran ng sasakyan at dumukwang sa loob. Inabot ko ang kahon sa loob na nakabalot at nadidisenyuhan ng isang pulang laso. Sa sobrang pagkatorpe ko nakalimutan ko tuloy ibigay ang regalo dito.
Nagpasya siyang ihabol ito sa dalaga. Ngunit pagkatok ko ay ang ina nito ang bumungad sa akin. Nasa silid na raw nito si Asther kung kaya pinakisuyo ko na lang na ibigay ito kay Asther.
May ngiti sa labing muli akong sumakay ng kotse. Kailangan ko pang bumalik uli sa Maynila. Doon na ako magpapalipas ng gabi sa sariling condo. Kailangan ko pang pumasok ng maaga sa opisina bukas. Bilin pa man din ni Dad na umattend ako sa board meeting ng kompanya bukas. Nakakapagod pero masaya ako lalo na't maghapon kong nakasama si Asther.