It's Sunday. Hindi kami regular na nagsisimba tuwing linggo. Pero nagyaya ang nanay at tatay na magsimba kaming buong mag-anak. Isang simpleng pink sleeveless dress na lampas tuhod ang haba ang suot ko na pinares ko sa aking flat shoes. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Maaga pa kaya hindi pa nagsisimula ang misa pagdating namin sa simbahan. Papasok ay natigilan ako ng mahagip ng aking mata ang isang pamilyar na bulto ng lalaki. Nakasuot ito ng black tight maong jeans na hapit sa mga hita nito. At blue long sleeves polo na ang manggas ay nakatupi hanggang siko. Lalo siyang naging makisig sa paningin ko. Yumuko ako para magkunwaring hindi ko siya nakita.
"Oh, Grey andito ka pala," bati ni Nanay. Mukhang napansin din nito ang binata.
"Good morning po Aling Cecille," masiglang bati naman nito.
"Hi Asther," baling na bati niya sa akin. Tipid akong ngumiti. Nagpatiuna na akong pumasok sa loob. Naiwan si Nanay at Tatay na kausap ni Grey. Naiilang akong makihalubilo sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang tagpong nasaksihan ko kahapon. Lalo lang lumalakas ang suspetsa ko na babaero nga siya dahil sa nakita ko. Kaya siguro nagsimba para mangumpisal ng kalokohan niya.
Agad kong nakita si Jenny at ang mommy nito pagpasok ko. They are seated near the altar. Jenny saw me too. Lumapit ako ng kawayan niya ako. I sit beside her.
"Ash, belated happy birthday!" then she gave me a hug. Binati rin ako ni Doc Vivian.
"Thank you," nahihiyang pasalamat ko.
Nilingon ko ang kinaroroonan ng magulang. Sakto namang paglingon ko ay siya ring gawi ng tingin ni Grey sa kinaroroonan ko. Nagtama ang aming paningin. Napapasong agad akong nagbawi ng tingin. The church band started to play. Hudyat na magsisimula na ang misa. Dumiretso ako ng upo. Dumarami na ang mga tao. Unti-unti na ring napupuno ang mga upuan. Umusod ako ng upo ng maramdamang may tumabi ng upo sa akin. I looked up when his manly scent attacked my nose. Natulala ako ng ang kulay abo niyang mata ang sumalubong sa akin. Magkadaiti ang aming nga braso. Our closeness is making my heart beats so fast. Hinawakan niya ako sa aking baba. Napatikom ako ng bibig sa ginawa niya. Hindi ko namalayang nakanganga na pala ako habang nakatitig sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng hinaplos ang paligid ng aking labi. Baka kasi pati laway ko tumulo na pala ng hindi ko napapansin kakatitig ko sa kanya. Buong misa ay hindi ako mapalagay. At ng kakantahin na ang Ama Namin ay nag-alangan ako na itaas ang kamay. Ayokong magkadaupang palad kami. Ngunit inabot ni Grey ang kamay ko at siya na ang nagtaas. Mahigpit niya akong hinawakan sa kamay. Ang puso ko di na naman maawat sa mabilis na pagtibok. Sa lahat ng misa ito lang ang pinagdasal ko na sana matapos agad. Ni hindi ako makasabay sa pagkanta dahil ang buong sistema ko ay gulong-gulo sa pagpisil niya sa aking kamay. Agad kong binawi ang kamay matapos ang kanta. Nagpatuloy ang misa.
"Magbatian kayo at magbigay ng kapayapaan sa isa't isa. Peace be with you!" aniya ng pari.
"Peace be with you. Peace be with you," Pagbaling ko kay Grey ay isang mabilis na halik sa pisngi ang iginawad niya sa akin. "Peace be with you,"bulong niya sa aking tenga.
Agad nag-init ang aking pisngi. Ano ba naman tong lalaking ito? Nananadya ba 'to? Nakakadalawang halik na siya sa akin. Nagpatiuna na akong naglakad palabas ng simbahan matapos ang misa. Sa nakaparadang tricycle ng tatay na lang ako maghihintay. Di naman ako nainip sa paghihintay at maya-maya pa ay natanaw ko na sila na papalapit sa kinaroroonan ko.
" Nak, pinagpaalam ka sa amin ni Grey. Gusto ka isama mamasyal," si Nanay.
"P-po?" Nagugulumihanang sagot ko.
Itinuro nito ang kinaroroonan ni Grey." Sige na anak at hinihintay ka na niya," si Nanay ulit. Napanganga ako sa tinuran ni nanay. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang sumama. Tapos ngayon pinagtutulakan pa ako. Aba! Ako 'yong anak pero si Grey pa ang mas pinapaboran. Gusto kong umayaw pero wala naman akong maisip na dahilan para makatanggi. Nakasimangot na lumakad ako papalapit kay Grey.
" Kay nanay nagpaalam pero sa'kin hindi," inis na bulong ko.
" Sakay na," he opened the door and motion me to hop in his car. Pero hindi ako natinag sa kinatatayuan.
" Anong sinabi mo kina Tatay? Ba't napapapayag mo na maisama ako?" kuryosong tanong ko. Kahit kasi maluwag si Tatay at Nanay sa akin ay hindi basta-basta pumapayag ang mga ito na maglakwatsa ako lalo na pag malayo.
Nagkibit balikat ito bago sumagot. " Nagpaalam lang ako ng maayos kaya pumayag sila Tatay."
Napataas lalo ako ng kilay. Tatay talaga tawag niya sa tatay ko. Feeling close ah! Sa huli ay sumakay na rin ako sa kotse nito.
"S'an ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng binata.
"Mamasyal," matipid na sagot niya sa akin.
"Baka magselos girlfriend mo pag nalamang may kasama kang ibang babae?"
"Wala akong girlfriend,"tanggi niya. His unbelievable! Kahapon lang nakita ko siyang may babae na nakapatong sa ibabaw tapos sa sabihin niya ngayon na wala siyang girlfriend. Playboys be like! Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na din maintindihan ang sarili.
Napasandal ako sa bintana ng sasakyan. Hindi ko na siya ulit kinausap. Nagkasya na lang akong nakatingin sa labas habang nasa biyahe. Until I fell asleep.
Mabining tapik sa pisngi ang nagpagising sa akin. Nakaidlip ako sa biyahe. Nakatunghay na mukha ni Grey ang nakamulatan ko. Nang makitang gising na ako ay kumilos ito palayo at nagtanggal ng seatbelt. Kumilos rin ako para tanggalin ang seatbelt sa inuupuan ko. Sinipat ko ang suot na relong pambisig. Halos dalawang oras din kaming bumiyahe.
Nasa parking lot kami ng isang kilalang mall. Nauna siyang bumaba sa akin at pinagbuksan ng pinto ng kotse. Inilahad pa niya ang kamay sa akin. Nagdadalawang isip na inabot ko iyon. Naglalakad na kami papasok ng mall pero di pa din niya binibitawan ang kamay ko. Sinubukan kong hilahin pero pinagsalikop pa niya ang aming mga kamay. Mukhang wala naman talaga itong balak na bitawan ang kamay ko.
"Kain muna tayo," aniya.
Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. Sa isang sulok na bahagi kami naupo.
Magpoprotesta sana ako kung pwedeng sa mas murang kainan na lang kami kumain. Bukod sa iniisip kong mahal ang pagkain dito ay naiilang din kasi ako. Pagpasok pa lang ay pinagtitinginan na kami ng ibang kumakain din do'n. I even saw a woman eyeing me from head to foot. And I think I know why.
The waiter handed us the menu. He ask me what do I want to eat. Hindi ako pamilyar sa mga pagkain sa menu kaya hinayaan ko na lang na siya ang pumili. Ito ang unang pagkakataon na makakakain ako sa ganitong mamahaling restaurant. Tahimik akong naupo habang nakamasid kay Grey na nagbibigay ng order sa waiter. Mataman ko siyang tinignan. He looks so gorgeous and intimidating at the same time. No wonder, pinagtitinginan siya ng ilang kababaihan pagpasok pa lang kanina. I bit my lips. Bakit ba ako ang kasama nito? At bakit nandito ako kasama niya? Baka nga pinagtiyatiyagaan niya lang ang probinsyanang tulad ko.
I hold my breath when suddenly he turned his gaze to me. Butterflies starting flying in my stomach and my heart started beating fast. Nakaalis na pala 'yong waiter. At ngayon nga ay walang hiyang tinititigan niya ako ng walang kakurap-kurap. Na para bang pag nagkamali siyang maipikit ang mata ay maglalaho ako.
I cleared my throat. Mukhang wala siyang balak na putulin ang titig sa akin kaya ako na ang unang bumitaw. "Ahmm...Restroom muna ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumungo ako ng restroom. I heaved out a deep sighed after entering the door. Grabe! Palagi na lang nagwawala ang puso ko pag nandiyan siya. His presence is always making me anxious.
I freshened up. Pagkatapos ay lumabas na ako ng restroom. Pabalik sa aming lamesa ay natanaw ko ang isang babae na ngayon ay nakaupo sa upuang nakalaan sa akin. Paharap siya sa aking direksyon kaya kitang-kita ko ang kabuuan niya. She looks sophisticated. Mula sa nagkikislapan at naglalakihang dyamante sa mga suot nitong alahas sa katawan ay masasabi kong mukhang galing ito sa isang mayamang pamilya. Prenteng nakaupo habang di matanggal-tanggal ang ngiti sa labi na nakikipag-usap kay Grey. Ang lagkit-lagkit pa kung makatingin. Nagsalubong ang aking kilay. I feel like something inside me boils. Huminto ako sa paghakbang sa gilid ng babae.
" Excuse me," wika ko.
" Yes?" Tanong sa akin nung babae. Isang sulyap ang ibinigay niya sa akin ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa kaharap.
" I need that chair," sagot ko.
" Go find another one. I'm sitting on it," walang kaabog-abog na sagot ng babae.
Aba'y! Gustong umusok ng ilong ko sa inis.
" She's actually my date," singit ni Grey. Kitang-kita ko ang pagbago ng timpla ng mukha no'ng babae. She even raised one eyebrow to me. Hindi naman nakaligtas sa aking pandinig ang sinabi ni Grey.
" Oh! I'm sorry," halatang pilit na hinging paumanhin sa akin. Tumayo ito at lumapit kay Grey.
" Maybe you can join us next time," nagbeso pa ito kay Grey bago tumalikod. Umupo ito kasama ang isang grupo sa mesang di kalayuan sa kinauupuan nila. Kunot noong sinundan ko ito ng tingin.
Napalingon ako sa aking harap ng marinig ko ang pagtawa ni Grey. Mas lalong lumalim ang guhit sa aking noo. Ano naman kayang tinatawa-tawa nito?
He eventually stopped. The waiter then comeback to serve our food. Gusto ko sanang tanungin kung sino 'yong babaeng kausap nito kanina. Pero mas pinili ko na lang ang manahimik. I try to put my attention on the food. They all look sumptous. But they all taste bland for me. Panaka-naka kong sinusulyupan ang kabilang mesa. At ilang beses kong nahuhuling nakatingin 'yong babae. Obvious na obvious kung makatingin. That woman is obviously flirting with him. But Grey doesn't seem to take notice at all. Na mas lalo lang nagpapatindi sa inis na aking nararamdaman. Hindi na ako nakatiis. Binaba ko ang hawak na kutsara at tinidor.
" Sino 'yon?" sabay nguso sa kabilang mesa.
" No one," maikling sagot niya at ipinaglatuloy ang pagkain.
" No one as in...hindi mo kakilala?"I intriguingly ask.
" Oo."
"Ows?" Hindi ako naniniwala.
He smirked at my last word. "Oo nga." Hindi pa rin ako naniniwala. Pero ano nga bang paki ko kung sino man 'yong babaeng 'yon. At wala akong karapatang magtanong. Kahapon din may kasama siyang babae. Nagmimilagro pa nga! Pero wala daw siyang girlfriend. Kaya wala dapat akong pakialam. Hindi ko mapigilang makaramdam ng iritasyon. At mas naiirita ako sa nararamdaman kong bigat sa dibdib.