Chapter 4

1492 Words
Isa talaga sa mga gustong-gusto kong pinapasyalan dito sa burol ang batis. Ewan ko ba kung bakit, pero sa tuwing nandito ako ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Tila ba lahat ng alalahanin sa buhay ko ay naglalaho. Dali-daling kong hinubad ang sapatos para di mabasa. Iginilid ko muna ito sa may batuhan. Nilublob ko ang mga paa sa tubig. Napahagikgik ako ng manuot ang lamig ng tubig sa aking paa. "Ang lamig!" tili ko. Nilingon ko si Gray na tahimik na nakatingin sa akin mula sa di kalayuan. "Tara! do'n tayo sa mga bato umupo. Ang presko ng tubig ang sarap magbabad ng paa. Try mo, " yaya ko. Dagli namang tumalima si Grey. Hinubad din niya ang sapatos at nilapag sa tabi ng akin. Nililis ang pantalon at lumakad sa tubig palapit sa akin. "Do you always come here?" tanong niya sa akin habang umuupo kami sa batuhan. "Medyo. Hindi pala madalas! Lalo na pag bakasyon pumupunta kami dito kasama ng mga kaibigan ko.Ang lamig kasi ng tubig. Sarap magbabad ng ligo. Nature lover ako kaya gustong-gusto ko sa ganitong lugar,"nakangiting sagot ko dito. "Hmmm...nature lover? Ako liver lover," aniya. Natigilan ako pagkuwa'y napatitig sa kanya. Napabunghalit ako ng tawa ng mapagtanto ang sinabi nito. "Ahahahaha! Ang corny mo!" "Yeah right but you can't even stop laughing!" then he grinned. "Corny ka pa din. Di ka naman kalbo nagpapatawa ka," sabay tilamsik ng tubig dito gamit ang paa. Tinamaan ito sa mukha. Tumawa ito ng malakas at ewan kung bakit ba di niya napigilang ngumiti ng marinig ang tawa nito. His laugh is so contagious. 'Yon tipong mahahawa ka pag narinig mo at mapapatawa ka din ng malakas. I can't stop admiring his laugh. Ang sarap nitong patawanin. Nagtagal pa kami sa batis hanggang sa di na namin namalayan na tanghali na pala. Napasarap 'ata ang kwentuhan nila. Tirik na ang araw kaya nagyaya na si Grey paalis ng batis. Sabay na tinungo namin ang nakaparadang motorsiklo nito. "Here," habang sinusuot ang helmet ay iniabot nito ang leather jacket niya sa akin. "Bakit?" tanong ko. "Mabibilad ka sa araw kaya suotin mo 'to." paliwanag ni Grey. "Naku! Hindi na o-okay lang. Sana'y ako mabilad sa araw. Ikaw naman ang mabibilad pag sinuot ko 'yan," pagtanggi ko. Pero imbes na tumalima ay lumapit siya sa akin at tinulungan pa akong maisuot iyon. "Let's go," sabi nito at nauna ng sumakay sa motor. Iniabot pa niya ang isang kamay sa akin upang alalayan ako sa pagsampa sa motor. Palihim akong napangiti. Habang tumatagal ay mas napapansin ko ang pagiging maginoo ni Grey. Manyak man ang naging impresyon ko sa kanya noong una kaming nagkita ay nagbago na 'yon ngayon. His such a gentleman. At natural iyon, hindi pakitang gilas lang. Pigil ko ang hininga ng makasakay na sa motor at yumakap na dito. Habang nasa biyahe ay tinanong niya ako kung saan ko ba gustong kumain. Tinuro ko naman ang isang sikat na kainan sa bayan. It's a filipino restaurant that offers indigenous cuisine. Akala ko nga magyayang lumipat sa ibang kainan si Grey ng ipakita ko ang menu. Pero siya pa mismo ang pumili at umorder ng kakainin nila. Sinigang na ulo ng salmon, ginataang kuhol, adobong palakang bukid at inihaw na liempo. Sinamahan pa ng tatlong servings ng kanin. May buko pandan pa na dessert. " Ang dami! Mauubos ba natin 'to?" bulalas ko ng mailapag na lahat ng waiter ang pagkain sa aming mesa. " Namiss ko kasi ang gan'tong mga luto. Ang tagal ko din kasi sa states," nakangiting sagot niya sa akin. " Oo nga pala, galing ka ng amerika," pang-uusisa ko. " Yeah... after my mom died seven years ago, pinatira na ako doon ni Dad. Gusto niyang doon na ako mag-aral. Until I finished my degree. He wants me to take over the business kaya pinauwi na niya ako ng Pilipinas," patuloy na pagkukwento ni Grey. " I'm glad I did and now I'm here," saad pa nito habang matiim na nakatitig sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Why do I have a feeling that his liking it here because of...me? Pinilig ko ang ulo sa naisip. Bakit naman niya magugustuhan ang pananatili sa Pilipinas ng dahil sa akin? Nang dahil lang sa akin? Ipinagpatuloy namin ang masaganang pananghalian. Tahimik akong kumain habang panaka-nakang sumusulyap sa kanya. Hindi biro na namiss niya nga ang pagkaing pinoy. Magana siyang kumain. Bahagya pa akong nagulat ng nagpadagdag pa siya ng dalawang order ng kanin. He has a big appettite. Hindi nanan na nakapagtataka. Karamihan sa mga lalaki malakas kumain. Gan'un din kasi ang kapatid kong kambal. They stay in that restaurant for a while. At ng mapahingahan sa pagkain ay nagyaya na muli si Grey. Nag-ikot at namasyal pa kami sa bayan. Madilim na ng magpasya kaming umuwi na. Hinatid muna niya ako sa bahay. " Pasok ka muna. Baka gusto mong magkape?" yaya ko sa kanya habang tinatanggal ang suot na helmet. "Huwag na. I'm good. Naabala na kita buong maghapon," tanggi ni Grey sa akin. "Hindi, okay lang. Nag-enjoy din naman ako kaya hindi abala 'yon," I said and flash a sweet smile to him. "I had fun too. Maybe we can do this again next time. Thank you," nanatili silang ganoon. Nagtititigan. Nakapamulsa si Grey at matiim na nakatitig sa akin. Bahagya pa itong yumuko at isinipa-sipa ng marahan ang paa sa munting nakausling bato. Mukha itong may gustong sabihin o gawin ngunit nahihiya. Muli itong nag-angat ng tingin at pinasadahan ng kamay ang buhok. Kinuha niya ang helmet at jacket niya na hawak ko. Pagkuwa'y yumuko siya at ginawaran ako ng isang mabilis na halik sa pisngi. Natigalgal ako sa kinatatayuan. Butterflies suddenly flew inside my stomach. " Goodnight baby." Tulala akong napatitig sa kanya. Sinubukan kong sumagot ngunit walang salitang namutawi sa aking labi. I was surprised by his sudden move. Isang hakbang patalikod ang ginawa niya bago pumihit pasakay ng kanyang motorsiklo. Isang huling sulyap ang iginawad niya sa akin bago niya pinaandar iyon at tuluyan ng umalis. I stayed still for a moment before I blinked my eyes a few times. Hinalikan niya ako sa pisngi! natitilihang sigaw ng utak ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko na parang gustong kumawala mula sa aking dibdib. Nakakabingi ang ingay na nililikha nito sa aking tenga. Muli akong napakurap-kurap at napahawak sa dibdib. Sinapo ko ng palad ang pisnging nadantayan ng kanyang mainit na labi. What is this I'm feeling? It's very foreign and new. It's giving me this tingling sensation inside my heart. I had never felt this way before. Kilig ba ang tawag dito? Kinikilig ako?! Naghuhuramentadong sigaw ng utak ko. Napakagat ako sa labi. I like this feeling inside my chest. Nangingiting pumasok na ako ng bahay. Nagtext ako kay nanay upang ipaalam na nakauwi na ako. Hindi na ako pupunta sa pwesto. Nandoon naman ang kambal kaya mag -aasikaso na lang muna ako dito sa bahay. Nagluto ako ng hapunan. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay naligo na ako at pumasok na ng kwarto. Naupo ako sa gilid ng kama habang nagsusuklay ng buhok. I touched my cheek. Ang pisnging hinalikan kanina ni Grey. Napapikit ako at muling inalala ang lahat ng nangyari sa buong maghapon. Ang pagpasyal nila sa burol,ang masayang biruan hanggang sa paghalik nito sa kanyang pisngi. Napatakip siya ng dalawang kamay sa mukha at nangingiting napadapa sa kama. That was my first kiss. My first ever kiss! Hayyyy...Ang lakas ng t***k ng puso ko. Inaalala ko pa lang ang mga nangyari ay may kung anong pakiramdam mula sa kaibuturan ko na siyang lumulukob sa buo kong pagkatao. Does this mean I'm liking him? Hindi naman imposible 'yon. Napakakisig ni Grey. Walang sinuman sa bayan nila ang nakitaan niya ng kakisigan na maaaring pumantay sa taglay nito. Ang matikas nitong tindig, ang matipuno nitong pangangatawan at mala-modelong porma. At ang mga mata niya. Ang kulay abo niyang mata na binagayan ng mapipilantik na pilikmata at makapal na kilay na sa tuwing tinititigan ko ay tila siya namamagneto. And his lips, those luscious lips that always show his boyish grin that would easily makes someone like her go crazy over it imagining what it feels when it touch my lips. Tumihaya ako sa pagkakahiga. Hindi maari. Umiling-iling ako at idinilat ang mga mata. Masyado pa akong bata para isipin ang mga ganoong bagay. Pihadong sa itsura pa lamang ni Grey ay maaring may kasintahan na ito. Galing pati ito ng Amerika, baka mamaya playboy pa ang isang 'yon! Napasimangot ako sa naisip. Dapat supilin ko na ang kung anumang umuusbong na damdamin ko para sa kanya. Iiwas na ako hangga' t maaari. I reach for my extra pillow and hug it tight. Malungkot kong ipinikit ang mga mata. I should stop thinking about him now, I said to myself before falling into a deep sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD