Chapter 5

1509 Words
Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Late na din kasi ako nakatulog kakaisip. Pupungas-pungas na bumangon ako mula sa kama. Hindi ko pa tuluyang maidilat ang mga mata sa sobrang antok. Walang hiyang halik kasi 'yon, namumuyat! Kinusot-kusot ko ang mga mata, tumayo at nag-inat. Humakbang ako patungo sa bintana ng may maulunigang malakas na hiyawan at tawanan mula sa likod ng bahay. Mukhang nagkakatuwaan na naman ang kambal at si Tatay sa paglalaro ng basketbol. Tuwing linggo ay hindi sila nagtitinda. Kaya nakahiligan na ng kambal na kapatid at ama ang maglaro ng basketbol pag ganoong araw. Wala sa loob na binuksan ko ang bintanang yari sa capiz. Napapikit ako kasabay ng paghikab habang hinahawi ang kurtina. Ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla ko ng minulat ko ang aking mata. Nabitin sa ere ang aking mga braso ng saktong pagdungaw ko sa bintana ay siya namang pagtingala ni Grey. His gaze fall into me. Natatarantang naibaba ko ng bigla ang mga braso. Tumama tuloy ang siko ko sa kahoy na hamba ng bintana. Namilipit ako sa sakit. Biglang nawala antok ko. Napaupo ako sa sahig habang sapo-sapo ang nasaktang siko. Ouch! Bahagyang namula ang kaliwang siko ko kaya alam kong malakas ang naging pagkakatama nito sa kahoy. Lumuhod ako mula sa pagkakaupo at dahan-dahang sumilip sa bintana. Napatda ako ng maabutang nakatingala pa din ito sa bintana. Ngunit dagli ring nabaling ang tingin nito ng pasahan ito ni Arjan ng bola. Sinundan ko ito ng tingin habang dinidribol ang bola. Napangiti ako ng maishoot nito ang bola. Nakipag-appear ito sa kambal bago muling tumingala sa akin. Pasimpleng kumindat siya sa akin. Natulala ako. Ngunit agad tumalikod sa tinuran nito. Pagapang na lumapit ako sa aking tokador at sinipat ang sarili sa salamin. Nakakahiya! May bakas pa ng natuyong laway ang pisngi ko at may muta pa sa mata. Nakakahiya talaga! Nakita kaya niya. Kumalma ka Asther. Masyadong malayo para makita pa ang muta mo! sawata ko sa sarili. Dali-dali kong hinila ang twalyang nakahanger at kumuha ng pamalit na damit sa loob ng aparador. Patakbong tinungo ko ang banyo para maghilamos at magtoothbrush. Matapos magpalit ng damit ay bumalik ako sa aking silid, umupo sa harap ng salamin at sinuklay ang buhok. Matapos mag-ayos ng sarili ay tumayo na ako at muling hinayon ang hagdan pababa. "Good morning 'Nay" bati ko kay nanay na abala sa kusina. Inalis ko ang takip ng pagkain sa lamesa at namangha sa pagkaing nakahain doon. "Wow! 'Nay andaming pagkain? May darating po bang bisita? Mukhang masarap!" namamanghang tanong ko. "Ah! yan ba? Dala-dala yan ni Grey," sagot ni Nanay. Totoong ang dami ng nakahain. Iba't ibang putahe ng ulam. Baka nga abutin pa ito ng pananghalian sa dami. Naglapag si Nanay ng mga plato sa mesa bago bumaling sa akin. "Buti pa tawagin mo na sila at ng makapag-almusal na tayo." Tinungo ko ang likod-bahay. "Tay kakain na po-" natigilan ako ng mahagip ng mga mata ko si Grey nakatayo habang umiinom ng tubig sa baso. Napanganga ako habang pinanonood siya. Tila isa itong commercial model. Nakasampay ang t-shirt nito sa balikat. Bahagyang nakatingala at kitang-kita ko ang pagtulo ng butil-butil na pawis nito mula sa noo. May bahagyang natapong tubig pa mula sa bibig nito. Umagos iyon mula sa dibdib patungo sa tiyan nito na namumutok ng abs at pababa pa. Matapos uminom ay pinunasan nito ng braso ang pawis sa noo. What a scene?! Tinikom ko ang bibig at napalunok ng sunod-sunod sa nakikita. Ang mala-pandesal nitong abs ay mukhang mas masarap pang-almusalin. Tumikhim ako ng eksaherada dahilan upang magawi ang mga tingin ng kanyang ama, kapatid at ni Grey sa kinatatayuan ko. "K-kakain na po," nauutal na bigkas ko sabay pihit patalikod. Tumulong ako sa paghahanda ng hapag. Pumasok din naman agad ang mga kalalakihan kasunod ko. Nagkanya-kanyang upo hanggang sa ang tanging silya sa tabi na lang ni Grey ang bakante. Ayaw ko man dahil sa kagustuhan kong umiwas sa kanya ay napilitan na din akong umupo doon. Naiilang ako sa pagkakalapit namin. Akmang kukunin ko ang bandehado ng kanin ng abutin din iyon ni Grey at di sinasadyang nahawakan niya ang kamay ko. Tila napapasong binawi ko agad ang kamay at napasulyap dito. Ito na ang umabot ng kanin at kapagkuwa'y nilagyan ang plato ko. Inabot din nito ang ulam at muling nilagyan ang plato ko. I whispered my thank you to him before picking up my spoon and fork. Nang mag-umpisa akong sumubo ay 'tsaka pa lang din siya naglagay ng pagkain sa sariling plato at kumain. " Grey, hijo! Ang galing mo pala magluto. Bihira sa lalaki, lalo na sa panahon ngayon ang maalam sa kusina, " puri sa kanya ni Nanay. Isang tipid na ngiti muna ang pinawalan nito bago nagsalita. "Nasanay lang po akong magluto ng manirahan po ako sa States. Di rin po kasi ako mahilig sa fast foods kaya nag-aral po akong magluto. Nakakamiss po kasi talaga ang mga pagkaing pinoy. At the age of fourteen po kasi kinailangan ko ng manirahan mag-isa sa amerika dahil na rin po sa kagustuhan ni Dad. Kaya pag namimiss ko po ang pinas nagluluto lang po ako ng pagkaing pinoy at okay na po ulit ako." " Ganun ba? Naku! Pihadong maswerte ang mapapangasawa mo gwapo na ay magaling ka pang magluto. Eh, 'to ngang si Asther ay gustong-gusto 'yong niluto mong kare-kare. Tinanong pa nga ako kung sino nagluto at aasawahin niya daw. Pero syempre joke lang 'yon!" palatak ng aking ina. Bigla akong nasamid sa narinig. Dali-dali kong inabot ang baso na may tubig at uminom. Ang nanay talaga! Napakadaldal. Sunod-sunod ang aking naging pag-ubo matapos tunggain ang laman ng baso. "Are you okay?" tanong sa akin ni Grey habang marahang hinahagod ng kamay niya ang likod ko. "O-okay lang ako. 'Nay joke lang po 'yon." Ramdam na randam ko ang pag-iinit ng pisngi. Kung kanina ay naiilang lang ako ngayon ay nadagdagan pa ng labis na hiya. Kung bakit ba naman kasi napakadaldal ng nanay. At ngayon pa talaga tumabil kung kelan andito si Grey. Baka kung ano pa isipin nito sa'kin. "Pero maiba ako ha! 'yang gandang lalaki mo na yan sigurado maraming nabihag sa Amerika." usisa pa ng kanyang ama. Tinapunan ko siya ng isang sulyap bilang antisipasyon sa maari niyang isagot. Ngunit wala itong isinagot. Tsk! Playboy nga siguro ang isang 'to. " Eh mukhang mahina pala 'to sa chicks si kuya Grey. Gusto mo ba kuya turuan ka namin kung pa'no manligaw?" kantiyaw ng isa sa mga kambal na si Arwan. Nakakaloko pang ngumiti habang salitang itinataas baba ang kilay. " Chicks ka diyan! Pag-aaral ang atupagin mo!" saway ni Nanay na sinamahan pa ng batok kay Arwan. Nagtawanan ang lahat sa hapag maliban sa akin. Hindi ako makasabay sa biruan. My mind is flying away thinking of Grey as a playboy. Bigla akong nawalan ng gana sa pagkain. Inubos ko na lang ang nakalagay sa aking plato. Tahimik akong nakikinig habang patuloy ang masayang kwentuhan sa hapag. Nang matapos ay tumayo na sila nanay at tumungo sa sala. Ang kambal naman ay tutulungan sana ako sa pagliligpit pero sinabi kong kaya ko na kaya lumabas na din sila ng kusina. Tumalikod na ako isa-isang inilalagapag sa lababo ang nga pinagkainan. "Dapat niyeluhan mo 'yan. Baka mamaga," concern ang boses na sabi ni Grey. Akala ko ay lumabas na siya kasunod nila nanay pero hindi pa pala. "H-ha?" maang na sagot ko. Inabot niya ang siko kong tumama sa bintana at marahang hinaplos." Sabi ko, dapat niyeluhan mo 'to baka kasi mamaga." Magkasalubong ang kilay na sagot niya. Kung gayon ay nakita niya ang nangyari kanina. Pati ang malaki kong hikab, panis na laway at muta. Napapasong binawi ko ang siko na hawak-hawak niya. " Malayo naman 'to sa bituka. Kaya okay lang!" pabirong sagot ko upang maitago ang kabang nararamdaman sa pagkakadikit ng aming balat. " Sa susunod mag-iingat ka. Ayokong magalusan ang balat mo," may halong inis ang boses niya habang sinasabi iyon. Eh bakit siya naiinis? Napataas ang aking isang kilay. " Okay lang nga ako. Di naman masyadong masakit," paniniguro ko sa kanya. " Di naman masyado? Ibig sabihin masakit pa 'yan! Gusto mo ikiss ko para mawala ang sakit?" Napasinghap ako. Ano raw? Ikikiss niya siko ko. Nagkakabuhol-buhol na sa kaba ang puso ko. Iniisip ko pa lang na muling dadantay ang labi niya sa akin ay may dulot na iyong kakaibang damdamin sa akin. Akmang hahawakan niyang muli ang aking siko kaya natatarantang umatras ako. " Ano 'ko bata?!" paangil na sagot ko. Nginisihan niya ako pagkatapos ay tumayo na. " Joke lang!" Tumatawa pang turan niya sa akin. " Joke mo mukha mo!" kunwa'y naiinis kong sagot. Pero mas lalo lang siyang tumawa. " Uwi na ako!" paalam pa niya. " Mabuti pa!" nang- aasar na sagot ko. Humalakhak ma lumabas na ito ng kusina Napapailing na sinundan ko siya ng tingin. Nang mawala siya sa aking paningin ay 'tsaka pa lang kumalma ang puso kong naghuhurumentado sa malakas na pagpintig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD