Chapter 6

1622 Words
"Mano po 'nay," kadarating ko pa lamg ng bahay galing eskwela. Tumayo ito at tumungo ito sa kusina. Paglabas ay iniabot sa akin ang isang puting sobre."Dumating itong sulat kanina para sa'yo." Ibinaba ko ang bag sa sofa at agad binuksan ang sobre. Pinasadahan ko ito ng basa. Galing ito sa unibersidad na nais kong pasukan. At ng mapagtanto ang nilalaman nito ay napatili ako ng malakas at naglululundag. Nilapitan ko si Nanay at niyakap ng mahigpit. "Nakapasa po ako 'nay!" at iniharap ko dito ang papel na laman ng sobre. Galing ito sa university kung saan kami nagtake ng entrance exam nila Charlene at Zaldy. Tuwang-tuwang gumanti ng yakap si Nanay. Nakapasa ako. At least ngayon mapapanatag na ang kalooban ko sa kakaisip kung paano at saan ako magkokolehiyo. Gusto ko pa namang kumuha ng kursong Bachelor in Science in Hotel and Restaurant Management. Sa pagkakaalam ko kasi mahal at magastos ang kursong 'yon. Kaya talagang malaking bagay kung makakapasok ako sa state university dahil bukod sa kalidad na ay mura pa ang tuition fee. Pwedeng-pwede pa akong mag-apply sa scholarship. Kapag nakapagtapos ako sa pag-aaral ay mas magiging abot-kamay ko na ang pangarap para sa sarili at para sa pamilya. Napakagaan ng pakiramdam ko paggising kinabukasan. Hanggang pagpasok ay ibang-iba ang sigla ng katawan ko. "Girl, ganado ah! Anong meron?" nanunuyang tanong sa akin ni Charlene ng mapansin ako nito. Natatawang napatingin ako sa kanya. "Wala! Di ba pwedeng masaya lang?" Kasalukuyan kaming nasa canteen. May rehearsal kasi para sa completion exercise namin. Mahaba-haba ang breaktime kaya dito na muna kami tumambay. "Bakit nga?" pilit na tanong nito sa akin. "Nakapasa ako sa exam Charles! Makakapagcollege na ako." Tuwang-tuwang balita ko. Tumili ang kaibigan at tuwang-tuwang yumakap sa akin. "Nakapasa din ako Ash. Oh! my gosh! Same university tayo," at yumakap pa ito sa kanya. Kinikilig pa na ginantihan ko ang yakap niya. Pareho kami ng kursong gustong kunin. Bago pa man magtake ng entrance exam ay napag-usapan na namin 'yon kaya naman labis akong natutuwa sa resulta. "Hep! Sali ako," singit ni Zaldy na kararating lang at umupo sa silyang nasa harapan ko. "Bakit nakapasa ka ba?" masungit at taas-kilay na tanong ni Charlene dito. Binuksan nito ang bag at may inilabas na sobre. Tapos ay binulatlat nito ang papel na laman at inilapit sa mukha ng kaibigan. "Eh kung sabihin ko sa'yong oo?" nang-aasar ang tono at nakataas din ang kilay na sagot nito kay Charlene. " Kaloka! Same university tayo" humahagikgik pa na pinalo ni Charlene ang braso ni Zaldy. "Ouch! masaket!" maarteng hinawakan nito ang braso. "Baklang 'to!" "Excuse me lalake akow!" tumayo pa ito at tinaas ang dalawang braso habang akala mo nagpopose na model habang piniflex ang mga muscles sa braso. Sabay tuloy kaming napahagalpak ng tawang ni Charlene. Ito talaga ang gusto ko sa mga kaibigan. Mga masayang kasama at pareho pang kalog. Buti na lng talaga at same university ang papasukan namin dahil talagang mamimiss ko ang mga ito. "Oy maiba ako!" putol ni Charlene sa tawanan namin. " Nakita kita no'ng isang araw ah! May kasama ka sa bayan. Sino 'yon ha?" Naiintrigang urirat ni Charlene. " Ah, wala 'yon! Pamangkin ni Doc Vivian. Nagpasama lang mamasyal, " naiilang na sagot ko. " May gwapong pamangkin si Doktora. Pakilala mo naman ako!" Pangungulit pa nito sa kanya. " Sino na naman pinag-uusapan 'nyo?" usisa naman ni Zaldy. " Eto naman selos agad!" sita ni Charlene. At nagsimula na namang magtalo ang dalawa. Napabuntong-hininga ako. Buti na lang sumingit si Zaldy. Ayokong pag-usapan si Grey. Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita. Huli pa ay noong Linggo. Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala siya. Nas'an kaya siya? Nakangusong nangalumbaba ako. Pero okay na din na hindi ko siya nakikita ng sa ganoon ay hindi na ako mahirapang umiwas. "Nga pala Ash," baling sa akin ni Charlene." Birthday mo na sa Sabado. Papansit ka naman!" "Oo nga," sang-ayon ni Zaldy. "Di ko pa alam kung may handa. Nakakahiya namang humirit kay nanay at tatay. Alam niyo namang mas marami pang dapat paglaan ng pera," sagot ko. Hindi ko ngayon inaalala at gastos pa kung maghahanda. "Sagot ko na cake mo!" nakataas pa ang kanang kamay na alok ni Zaldy. "Ako ng bahala sa pansit! Papaluto ako kay mama," segunda naman ni Charlene. "O! 'Ayan! May cake at pansit na tuloy na ang birthday mo!" "Mga sira talaga kayo, "iiling-iling na tinawanan ko na lang ang mga ito. Hindi ko na sineryoso ang mga sinabi nila. Pagkatapos ay nagkayayaan na kami pabalik sa gymnasium para sa rehearsal. __________ Araw ng Sabado. Maaga akong bumangon. Gusto ko sanang samahan ang nanay sa pamamalengke ngunit tumanggi ito. Kaya nagpasya na lang akong maglinis ng buong bahay. Pinalitan ko ang mga kurtina pati na rin mga punda at sapin ng higaan. Isinalang ko ang mga labahan sa washing machine. Naghanda na rin ako ng agahan. Tapos na akong magsampay ng dumating sila nanay. "Ang konti naman po ng paninda natin ngayon?" tanong ko habang binubulatlat ang plastik ng pinamili. "Naku naubusan na kaya kami ng tatay mo at may pumakyaw do'n sa kinukuhanan namin," paliwanag ni Nanay. "Eh bakit po parang andami 'ata nitong karne ng baboy na binili nyo?" tanong ko ulit. "Ha? Ah... Eh! May nag-order kasi sa'kin ng mga lutong ulam. O-oo! Tama! 'Yon nga! Mamayang hapon idedeliver ng tatay mo". Mataman kong tinitigan si Nanay. May kakaiba sa mga kinikilos niya. Hindi ko lang mawari kung ano. Tumulong ako sa pagluluto. Matapos ay patang-pata ang katawan ko sa pagod kaya pagkakain ng pananghalian ay naligo na ako. Nagkulong ako sa kwarto upang makapagpahinga. Ramdam ko ang pamimigat ng talukap ng aking mata habang pinapatuyo ko ang buhok. Siguro dahil maaga akong nagising kaya ganoon na lamang ang antok ko. Humiga ako sa aking kama. Iidlip muna ako. Hapon ng bumangon ako. Saglit akong nanalamin at sinuklay ng kamay ang buhok. "Surprise! Happy birthday!" Napahawak ako sa dibdib sa labis na gulat. Nakangiting mga mukha ang bumungad sa akin pagkababa ko ng hagdan. Si Zaldy ay may hawak na cake na may nakasinding kandila. Katabi nito si Charlene na tangan naman sa kamay ang kumpol ng ng kulay pulang lobo. Nandoon din ang kapatid na kambal at magulang. Lahat sila masayang bumati sa akin. " Nag-abala talaga kayo para sa'kin!" Ayoko talaga mg sinusurpresa ako pero labis naman akong nasisiyahan. "Happy birthday beshy! Syempre! Love ka namin," si Charlene na unang lumapit sa akin para bumati. Iniabot nito sa akin ang mga lobo at yinakap ako. "Lalo na ako, love kita!"biro naman ni Zaldy. "Umayos ka nga!" sabay hampas ng kamay sa balikat nito. "Marinig ka ni tatay di ka na makakabalik ulit dito sa bahay. Sige ka!" biro ko. "Joke lang po! Commedianne po kasi talaga ako!" at sabay-sabay kaming nagtawanan. "Blow your candle na ate! Kanina pa ako gutom. Tagal mo naman kasing gumising," singit ni Arjan. At lalo tuloy nagtawanan ang lahat. Nilapit ni Zaldy ang cake. Pumikit muna ako bago hinipan ang kandila. "Sa wakas kainan na!"sigaw ni Arwan. Sumunod ako patungong likod ng bahay. Doon pala nila inayos ang lamesa. Ang paborito kong kare-kare at lumpiang shanghai na katulong ako sa pagluto ay kasama pala sa handa. May pansit bihon din na dala-dala ni Charlene. May inihaw na isda at barbecue pa. Lahat ng mga iyon ay nakahain sa lamesang kahoy na sinapinan ng puting tela. Nakapwesto iyon sa ilalim ng punong mangga. May mga nakabitin ding fairy lights na kulay dilaw. Dumating pala sila Charlene at Zaldy kanina habang natutulog ako. Nagtulong-tulong ang mga ito na ayusan sa likod ng bahay. Labis talaga akong nasorpresa. Ang akala ko ay magiging ordinaryong araw lang ulit ang kaarawan ko. Taon-taon naman lagi akong tinatanong ng magulang kung gusto ko bang maghanda para sa kaarawan ko pero tumatanggi ako at nanghihinayang ako sa gastos. "Nay, 'Tay salamat po talaga..." nilapitan ko ang mga magulang na magkatabing nakaupo sa mahabang bangkong kahoy habang kumakain. Niyakap ko ang mga ito mula sa likuran. "Walang anuman anak. Napakabuti mong anak at napakaresponsable, maliit na bagay lamang ito. Isa pa nagpadala ang Tita Astrid mo pandagdag sa panghanda," aniya ni Tatay. Si Tita Astrid ang nag-iisang kapatid ng tatay na nagtatrabaho sa Amerika. " Pag tumawag po si Tita pakisabi po salamat," tinanguan ako ng tatay bilang sagot. "Asther kantahan naman tayo!" yakag ni Charlene mula sa kabilang lamesa. "Sige ba! Sandali kukunin ko 'yong gitara ko," at agad akong pumanaog ng bahay. Pagkalipas ng ilang saglit ay lumabas ako bitbit na ang lumang gitara na bigay ni Tatay. Umupo ako sa mataas na upuang kahoy. Tinanong ko ang mga kaibigan ng gustong kanta at nagsimulang patugtugin ang gitara. Masaya kaming nagkakantahan habang si Zaldy at Charlene ay nagkatuwaan pang magsayawan. Tumayo din ang nanay at Tatay. Magkayakap Ang mga ito na sumayaw. Sweet na sweet na umiindak ng marahan ang mga ito kahit na di naman pang sweet dance ang tugtog. "Nak, parequest! 'Yong theme song namin ng tatay mo," baling sa akin ni nanay. Niyuko ko ang gitara at nagsimulang tumipa. Sinulyapan ko ang mga magulang. Napapangiti ako habang patuloy sa pagkanta. Napangiti ako ng makita ang paglalambingan ng magulang habang sumasayaw. Napakaganda nilang pagmasdan. Salat man sa karangyaan at iba pang materyal na bagay ay punong-puno naman ng pagmamahalan ang aking pamilya. Sana makatagpo din ako ng taong magmamahal sa akin ng kung paano mahalin ng tatay ang nanay. Sana matagpuan ko din ang taong magbibigay ningning at kislap sa aking mata tulad ng nakikita ko sa mata ni Nanay tuwing niyayakap at nilalambing ito ni Tatay. Sana makatagpo din ako ng pagmamahal na di kumukupas lumipas man ang mahabang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD