Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Nagising ang aking diwa nh makarinig ng malakas na pag-uusap. " Nak ng putsa pare! Ang ganda at napakakinis! Kung hindi lang buntis 'yan malamang nakana ko na 'yan!" Kinilabutan ako sa narinig. Hindi muna ako nagdilat ng mata. Ang dibdib ko ay labis na kinakabog ng takot. Pinilit kong manatiling nakapikit at nakikiramdam. " Tang-ina! Kanina pa nga ako tinitigasan!" ani pa ng isa matapos ay naghalakhakan ang mga ito. " Mga gago magsipagtigil kayo! Mahigpit ang utos ni boss. Huwag na huwag 'nyong gagalawin 'yan! Bantayan 'nyong maigi iyan. Tayo malilintikan pag nakatakas 'yan!" Narinig kong awat ng isa pang tinig matapos ay nakarinig ako ng mga papalayong hakbang. Narinig ko rin ang pagsarado ng pinto. Nang makasigurong wala na ang

