Chapter 46

1648 Words

Akmang tatalikod na si Cherry ng hawakan ko ito sa braso. " Parang awa mo na Cherry...pakawalan 'nyo ako dito. Maawa kayo sa akin," naiiyak ang tinig na pagsusumamo ko. Pero tila hindi ako nito narinig at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas ng silid. " Huwag kang mag-aalala Miss Beautiful! Pag nakuha na ni boss ang kailangan sa'yo makakaalis ka rin dito at dadalhin kita sa langit!" singit ng isa sa mga bantay na may nakahihindik na ngisi sa labi. Takot na takot na umusog ako pasandal sa headboard ng papag. Tumawa ito ng malakas sa aking naging reaksyon na naghatid ng nakagigimbal na pakiramdam sa akin. Matapos ay lumabas na ito ng silid. Dinig ko pa ang muling pagkandado nito sa pinto. Naiiyak na naman ako sa labis na takot. Hanggang kailan ba ako dito? At ano ang tinutukoy ng lalaking 'yo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD