"Bakit biglaan naman 'ata ang uwi mo anak? Sabi ng tita mo hatinggabi ka na dumating kagabi. Aba'y sa susunod anak magpapasabi ka naman! Para nasundo ka man lang ng tatay mo sa terminal. Delikado panahon ngayon. Babae ka pa naman tapos bumabiyahe ka mag-isa ng gabi." Dire-diretsong litanya ng kanyang nanay. Kabababa ko pa lang. Tinanghali na ako ng gising. Madaling araw na ako nakatulog kakaisip. Pagbungad ko pa nga lang sa kusina ay sinalubong na ako ng paninermon ni Nanay. Tinangu-tanguan ko na lamang lahat ng sinabi niya. Tahimik akong nakaupo sa hapag habang pinaghahain ng nanay. Nakatalikod siya sa akin habang patuloy pa din sa pagsasalita. Di ko na napigilang mapangiti. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Ramdam ko pa ang pagkagulat niya ng yakapin ko siya mula sa likuran. " Namiss

