TAKEOVER midnyt_princess CHAPTER 25 ______________ BONI POV "Sari! Ano bang ibig sabihin nito? Bakit mo to ginagawa sa akin?" Masama ang loob na tanong ko sa kanya. Pilit kong pinipihit ang seradura ng pintuan kahit pa nga ba para akong nakukuryente doon. "Hindi mo mabubuksan ang pinto na yan hanggat hindi ko sinasabi kaya magpapagod ka lang at masasaktan Boni," narinig kong sabi ulit sa akin ni Sari. Sa tono ng boses nya ay nahalata ko na ito na talaga ang plano nya nung una pa man. Talagang wala na syang balak na pakawalan pa ako. "Sari naman, pag usapan natin to. Wag mo kong takutin ng ganito please. Alam mong ayokong bumalik sa lugar na to!" Pakiusap ko pa rin sa kanya na halata na ang takot sa boses ko. "Hindi kita ikukulong ng matagal Boni. Gusto ko lang ipaal

