TAKEOVER midnyt_princess CHAPTER 24 ______________ BONI POV Si Sari yon. "Sa-Sari?" hindi ko alam kung anong uri ng sakit ang naramdaman ko nung mga oras na yon o kung naramdaman ko pa ba iyon dahil hindi lang ang katawan ko ang namanhid kundi pati na din ang isip ko. Paano nangyari na patay na si Sari? Nanginig ang katawan ko, sa lakas ng kaba ko ay ni hindi ko magawang maiyak. "Sari!" puro pangalan lang nya ang nababanggit ko. Isang beses pa ay tinignan ko ulit ang katawan nyang wala ng buhay. Hahawakan ko sana sya ng bigla nalang may nag aapurang ginang ang sumugod sa gawi nung bangkay at walang pakundangang umiyak. "Sari! Diyos ko anak ko!" Panaghoy ng Mama ni Sari. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot nya sa gawi ko at ang nakakabigla pa non ay lumusot lang sy

