038: HINDI ALAM ni Zira kung nakikiayon ba sa kanya ang lahat o talagang coincidence lang ang nangyayari. Bukas-sara tuloy ang bibig ni Zira habang nakatingin kay Archiebal na nakatayo ngayon sa harapan niya at nakapostura. Halatang may kailangan itong asikasuhin tungkol sa trabaho nito sa opisina. “A-anong oras naman ang balik mo?” tanong ni Zira sabay tingin sa wall clock ng sariling kwarto. Nasa loob kasi ng kwarto ni Zira si Archiebal. Zira was in the middle of debating with herself on how will she excuse herself from Archiebal, without the man noticing her real plan, when Archiebal suddenly knock on her door. At ngayon nga ay nakatingin lang si Zira kay Archiebal na nakasuot na ng business attire nito, at nagpapaalam kay Zira na pansamantala munang aalis ang lalaki. Bigla tuloy

