039: SERYOSO ang mukhang lumabas ng sasakyan si Archiebal. Ang mga mata niya’y hindi naaalis sa puwertahan ng mansyon na ilang buwan na rin niyang tinitirahan kasama ni Zira. Wala mang mabasang ekspresyon sa mukha niya, pero makikitang dahil sa nagmamadali niyang paglalakad papasok sa mansyon ay halata na mayroong mali. Archiebal does not know what or why but while he’s away, there is a sudden unnerving feeling inside him. Pinaghalo iyong kaba at takot na noon niya lang naramdaman. Kaya naman dahil sa hindi rin naman na siya mapakali pa ay nagmamadaling tinapos niya ang ginagawa, bago pinakansela ang iba pang mga dapat niyang gawin ng araw na iyon sa kanyang sekretarya. At ngayon nga ay nagmamadali siyang umuwi ng mansyon para siguraduhin wala lang ang kabang nararamdaman niya. “Ah,

