FY#49 AGAD NA nagtagpo ang kanilang mga mata na nagpanginig ng kaniyang mga tuhod. Parang kakapusin siya nang hininga sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya lalo pa at nakikita niya ang sakit sa mga mata ni Luke. Gusto niyang bumigay at maglaho na lang na parang bula sa nakikita niya ngayon kay Luke. Parang hinahati ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman. Ang mga alaala ng buong guwapo nitong mukha bilang isang obra maestra ay nagbigay sa kaniya ng labis na pagsisikap at kalungkutan. Namumula ang mga mata nito habang kunot ang noo sa sakit at pait. Nakita niyang gumalaw ang adams apple nito at may nahulog pang isang butil na luha sa kaliwang mata nito. Kung kaninang matigas ang ekspresyon at tindig nito ay biglang nagbago at tila nanlalambot ito. Matagal itong nakatitig sa

