FY# 48 DINALA si Karenina sa isang Villa ng babaeng nagpakilalang si Andrea Mikaela Del Rio na best friend daw niya at asawa niya ang kapatid nito na si Luke Andrew Del Rio. "I won't ask you about the accident you went through, pero bakit ka nagtatago? Wala ka bang naalala kahit isa? Don't you think about your family? How about Kuya Luke and the twins?" Sunud-sunod na tanong nito sa kaniya. Pero ang nagpakuha sa atensyon niya ay ang pagbanggit nito ng twins. "T-Twins? Kambal..." nauutal na sabi niya. Kumalabog din ang dibdib niya habang nakatitig sa babaeng kaharap. Kumirot ng bahagya ang noo niya at tila may humarang doon. "They are so beautiful..." naluluhang aniya kay Luke, habang pinagmamasdan nila ang kambal mula sa LCD monitor. "They are, sweetheart. And thank you for making me

