Chapter 33

2572 Words

PUTING ceiling ng hindi pamilyar na kuwarto ang bumungad kay Karenina nang magising siya. Napapikit pa siya ulit nang masilaw siya mula sa ilaw na nasa itaas. Nasaan ba siya at bakit amoy alcohol pa? Agad na binundol nang kaba ang dibdib niya nang maalala niya kung anong nangyari sa kaniya. Sumakit ang tiyan niya... May dugo... Mabilis niyang kinapa ang tiyan at nang maramdaman pa rin ang mga anak niya sa sinapupunan ay napaluha siya. Oh my God! Muntik ng mawala sa kaniya ang mga anak niya. Hindi niya napigilan at napahikbi na siya. "Sweetheart?" Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ni Luke Andrew. Bago pa man niya maibaling ang mga mata kung nasaan ito ay naroon na kaagad ito sa harap niya. Naupo ito sa gilid ng kama, sa gilid niya. "Thank, God, you're awake,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD