MULA sa binabasang report na ipinadala ng sekretaryo ni Luke Andrew sa kaniyang business mail, napaangat ang tingin niya sa pintuan nang tumunog ang doorbell. Tinanggal niya ang reading glass niya at inilapag sa ibabaw ng mesita, sa tabi ng kaniyang laptop. Then he stood up and walked towards the door. "Lucas, what are you doing here?" he asked, nang bumungad sa kaniya ang kapatid. "Can I come in?" Tumango siya at nilakihan ang pagkakabukas niya ng pinto, saka tumabi para makadaan ito. Isinara naman niya ang pinto ng tuluyan na itong makapasok. "Coffee or whiskey?" he offered. Lucas just chuckled and shook his head. "Thanks, but no thanks. Hindi rin ako magtatagal." Tumango siya. "Pinapapunta ka rin ba nina Mhie para i-check ako?" nakataas ang kilay na tanong niya. Umiling ito. "N

