Chapter 31

2181 Words

"Kuya, nasaan—what the heck is going on here?!" Narinig ni Luke ang malakas na boses ni Andrea na mukhang nagulat yata sa nakikitang ayos ng living room ng bahay niya. Wala siyang balak na umuwi ng Maynila, hangga't hindi niya kasama ang mag-iina niya. Ilang gabi na rin siyang naglalasing simula nang tanggihan na naman siya ni Karenina sa harap ng ina nito. Kanina lang ay nagwala siya sa sobrang frustration. Ilang beses na niyang tinangkang kausapin si Karenina matapos ang nangyari pero ayaw naman siya nitong harapin. But damn it! Kasalanan din naman niya dahil hindi kaagad siya nakasagot nang tanungin siya nito kung mahal niya ba ito, sa halip ay nag-iwas pa siya ng tingin sa dalaga. Nakapag-bitiw pa siya ng salita na mukhang mas nagpadagdag pa kung bakit siya inayawan ni Karenina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD