NAGISING si Karenina sa hindi pamilyar na lugar. Pero agad din siyang nilukuban ng takot nang nakatali ng barbwires ang katawan sa silyang kinauupuan niya. Ang dalawang kamay niya ay nakatali rin sa silya mula sa likuran niya at may telang nakabusal sa bibig niya. Sinubukan niyang pumasag pero mas lalo lang humigpit ang barbwire na nakatali sa buong katawan niya. Napaungol na lang siya nang maalala niya ang nangyari at sunud-sunod na nagsituluan ang mga luha niya. "Ma'am, nandito na po iyong taksing pinakuha niyo," sabi ni Manong guard sa kaniya. Tumango siya at kaagad nagpasalamat kay Lelit at sa mga kasamahan nito. "Manang Lora, maraming salamat po at pinayagan niyo akong makaalis dito," naiiyak niyang sabi sa matanda. Nang sinabi ni Lelit ang problema niya sa mga ito ay hindi

