"No, no, please..." Karenina pleaded, tears streaming down her face. Pero tila demonyo lang na tumawa si Conchitta. "Ayaw mo?" tanong nito sa nang-uuyam na tono."O sige, kung ayaw mo... ang kaibigan mo na lang ang uunahin ko. Panigurado mas masasaktan ang mga Del Rio kapag nakita ang prinsesa nila na sirang-sira na ang mukha." Pinaikot nito ang wheelchair at pinagulong iyon papunta kay Addie. "Madam, p-please, let us go..." nanginginig ang boses na pakiusap niya sa matanda. "Pakawalan mo na kami, parang awa mo na." Tumawa na naman ang matanda nang huminto ito sa harap ng kaibigan niya. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito kahit tumatawa pa ito. "Anong tingin mo sa 'kin, bobo?!" sikmat nito sa kanya at tinapunan lang siya nito ng matatalim na tingin. "Do you think I will let y

