BRIXTON ALESSANDRO was pacing back and forth inside his office. Habang ang kapatid niyang si Lorelei ay nakaupo lang sa one-seater sofa na naroon. Kanina pa niya ito pinapagalitan. "I'm sorry, ayaw ko lang na makapatay ka ulit, Kuya." Nakayuko at mahinang katwiran nito. Halos magdilim ang paningin niya kanina nang makita niyang binaril ng hinayupak na tauhan niya si Karenina. Gusto rin niya itong pagbabarilin din at tadtarin ng bala ang buong katawan nito kung hindi lang kaagad siya napigilan ni Logan at sigawan ni Lorelei na unahing iligtas si Karenina. Damn it! Gusto talaga niyang patayin ang lalaking iyon. "Magpahinga ka na," he dismissed her. "Kuya, stop all of this—" "I'm tired, Lu, so please not this time," he cut her off. Lumabas siya ng opisina at tumungo sa kanyang kuw

