MABIGAT ang pakiramdam ni Karenina nang magising siya. Hindi rin niya maigalaw ang kaliwang braso niya nang subukan niyang galawin iyon. Nang magmulat siya ng mga mata ay nag-aalalang mukha ni Lorelei ang nabungaran niya. "Ate K? Oh, thank God! How are you feeling? May masakit ba sa 'yo?" Sunud-sunod at puno ng pag-aalalang tanong nito sa kaniya. Kumunot ang noo niya at sinubukang bumangon pero pinigilan lang siya nito. "Don't move." Mas lalong nalukot ang noo niya at inilibot niya ang paningin sa kinaroroonan niya. Nasa silid na siya. Buhay pa pala siya. Napatingin siya kay Lorelei na ngayon ay umiiyak na. She frowned. "Bakit ka umiiyak?" "Dahil gaga ka! Wala ka bang pagpapahalaga sa sarili mo, ate K? That sick bastard almost killed you!" asik nito sa kanya. She heaved a sigh

