Chapter 15

1237 Words
Hindi ako mapalagay hinatid ko na si Angel sa school.Nagpaalam ako kay Clyde na dadaan muna sa mall dahil may bibilhin ako ng biglang may humarang sa akin.Dalawang lalake ulit,hindi ko sila kilala dahil nakatakip ang mga mukha nila.Ang isang lalake ay may binubunot sa baywang niya. "Sino kayo? Wala naman po akong atraso sa inyo ah! Sabi ko habang gumagawa ng paraan para makahingi ng tulong o kayay tatakbo nalang sa may main intrance ng moa.Tanghaling tapat pa naman at naglalunch ang mga tao dahil madalang lang ang lumalakad.1pm to 4pm kasi ang pasok ni Angel kaya naisipan kong mag mall para daanan ko nalang mamaya ang bata. " Sa amin wala miss,pero sa nag-utos sa amin ay mayron!Sabi ng lalake sa akin. "Huwag kayong lalapit! Sisigaw ako! " E di sumigaw ka! Ako ang makakalaban mo! Sabi ng isa.Ngunit naisipan kong tumakbo sa may guard mabilis ng mabilis para hindi nila ako mahabol. "Huwag kana bumalik sa mansyon miss kung ayaw mong may mangyari sayong masama! Dahil kung babalik ka,papatayin ka namin at ang bata! Sigaw pa ng lalake na medyo maliit doon sa isa.Sakto namang nakatingin ang guard sa akin at humingi ako ng tulong. " Miss may humahabol ba sayo? Tanong nito sa akin.Sasagot na sana ako ng makita kong wala namang sumusunod na sa akin.Nagpasalamat nalang ako sa guard at nilapitan niya ako.Nagpaalam akong papasok na sa loob para magpalamig.Napailing nalang si manong guard.Baka nagtaka ito kung bakit ako tumatakbo at humihingi ng tulong e wala namang humahabol sa akin.Delikado ngayon ang buhay ko.Hindi kaya inutusan sila ng asawa ni step mother ko na ipapatay ako dahil galit siya sa akin? Pero paano niya ako nahanap? Gulong-gulo ang isip ko ngayon,pati si Angel ay idadamay nila.Pumasok ako sa chowking at umorder ng lauriat at halo-halo.Nakaupo ako sa sulok at nagmamasid sa paligid.Hindi muna ako lalabas dahil baka inaabangan ako ng dalawang lalake.Agad kong kinuha ang phone ko sa bag ngunit nawala ito.Paanong nawala? " Lando ano ba iyang pinagbibisihan mo! "Wala Troy,iyong cellphone ni Loraine nakuha ko kanina sa bag niya. " Kilala mo siya? " Ha,h-hindi ito oh nakalagay sa may phone na Loraine! " Oo nga naman,maganda siya pare.Sayang naman na papatayin lang natin agad! " Oo,pero hindi ko maopen ang cp niya may code! " Tss . ..itapon mo na iyan baka iyan pa ipahamak natin at ma trace nila! "Sige pare itapon ko na! " Doon sa ilog pare baka kasi may makakita niyan at makuha pa finger print mo! " Sige pare tara na! "Sandali! Abangan natin siya baka lalabas pa. "Troy takot na iyon,baka magpapasundo na! " Paano papasundo eh nasa sayo ang phone niya! "E di payphone or manghiram sa mga tao! Hindi ka din nag-iisip ano! " Oy Lando ha,alam kong matalino ka dahil nakailang taon ka nang pabalik-balik sa kurso mo! " Troy ako lang ba? nagsalita ang no.1. At nagtawanan nalang ang dalawa.Umalis na sila sa tapat ng sm at sumakay sa sasakyan nila.Ayaw ni Lando mapahamak si Loraine kaya sinigawan niyang huwag ng bumalik sa mansyon dahil papatayin nila ang bata at siya..Samantala si Loraine naman ay hindi mapakali dahil nawala ang cellphone niya.Naisipan niyang magpasundo kay Clyde at tumawag nalang sa payphone.Nagulat pa si Clyde ng tumunog ang cellphone niya eh nasa gitna siya ng meeting.Inoff nito ang cellphone dahil hindi niya na off kanina na kinaugali-an na niyang patayin bago mag- umpisa sa meeting. Samantala ibinaba nalang ni Loraine ang telephone dahil hindi na niya makontak.Naghahanap siya ng mahiraman ng cellphone para matext ang binata.Sakto namang may dalagitang nakaupo sa may gilid ng bakeshop kung saan siya nakigamit ng payphone. "M-miss pwede bang makitext? Sabi niya sa dalagita.Nagtaka naman ang babae sa kanya. " S-saglit lang miss kahit bibigyan nalang kita ng pera para sa pag text ko! Agad naman inabot ng babae ang phone.At agad na tenext si Clyde.Pagkatapos niyang ma text ay nagbigay siya ng 100 sa dalagita at natuwa naman ito. " Thank you miss ha,nadukotan kasi ako ng phone kaya tenext ko nalang ang boyfriend ko na magpasundo ako dito. Ngumiti naman ang babae at nagpaalam na pagkatapos makuha ang 100 na binigay niya.Bumalik si Loraine sa loob ng sm at umupo sa may bakanteng upuan na may mga palaru-an ng bata.Nag-iisip ang dalaga kung uuwe pa ito sa mansyon.Paano kung totohanin ng dalawa ang sinabi nila na anytime patayin nila si Angel kung uuwe pa siya doon.Agad na tumayo ang babae at nagwidraw para gagamitin niya pauwe sa probinsya.Bibisitahin niya ang kapatid na si Boyet kung ano na ang nangyari dito.Para makompronta na din ang tiyuhin na asawa ng madrasta niya.Baka nga nagkimkim ito ng galit sa kanya.Total naman na text na niya si Clyde na siya na ang sumundo kay Angel. Habang nasa bus ay hindi mapigilang maluha ni Loraine.After 3 years ay babalik siya ng Batangas para lang komprontahin ang asawa ng madrasta niya..Samantala si Clyde naman ay alas kwatro ng naopen ang phone dahil sa daming ginagawa.Agad may nagtext sa kanya at binuksan niya ito. Clyde its me Loraine.Pwede ba ikaw nalang ang sumundo kay Angel mamayang 4pm? Nadukutan ako ng phone at nakitext lang ako.Hinarangan kasi ako ng dalawang lalake kanina sa harap ng sm,natakot ako nadukot pala ng isa sa kanila ang phone ko.Pasinsya kana hindi ko masundo si Angel ha nagtago kasi muna ako sa loob para hindi ako mahanap ng dalawa.Clyde delikado ang buhay ni Angel at ako sana mabantayan mong maigi ang bata.Basta tandaan mo,mahal na mahal ko kayong dalawa.Ba bye! Agad napamura ang bata kasi alas kwatro na at palabas na si Angel.Saan si Loraine ngayon? Agad niyang kinuha ang susi ng kotse at lumabas.Baka matagalan ang bata sa paghihintay sa kanya.Napamura siya dahil naisipan pa niyang patayin ang phone kanina baka si Loraine ang tumatawag.Nasa panganib pala ang buhay nito kanina kaya siya tumatawag.Nahampas ng binata ang manebela paano kung may nangyaring masama sa kanya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Bulong niya sa isipan. Pagkadating sa school ay nakita niya si Angel na nakaupo sa tabi ng guard house. "Angel! Tawag niya sa bata. " Daddy! Bakit po wala si ate Loraine? Tanong agad nito. " Hindi ko din alam baby basta kanina may humarang daw sa kanya na bad guy kaya siya tumakbo! " E baka ano na po ang nangyari sa kanya daddy! " I will find her ok? Don't worry baby! Lets go to the sm.Baka nandoon pa siya at hinihintay ako! "Sige daddy! Kawawa naman si Ate Loraine! Sabi na lamang ng bata sa kinikilalang ama.Pagdating sa sm ay nag-ikot pa sila ngunit walang Loraine silang nakita. " Sir may hinahanap po ba kayo? Tanong ng guard sa may main intrance. "May hinahanap nga ako manong.Babae na matangkad,maputi at lampas balikat ang buhok! Matangos ang ilong na medyo singkit.May humahabol daw kasi sa kanya kanina at tumakbo siya dito! "Ah si maam,yes sir.Ako nga ang nakita niya kanina.Pero wala naman na akong nakita na hinahabol siya! Takot na takot nga siya kanina eh. "Alam mo ba kung saan siya nagpunta ng makita mo siya? "Hindi sir eh,nagchecheck na kasi ako ng mga bag ng mga pumapasok! " Salamat ho manong,baka nakauwe na siya ng bahay.Tara na Angel! Nagpaalam naman si Clyde sa guard..Hindi siya mapakali habang nagmamaneho.Hanggang hindi niya namalayan na may masasalubong silang malaking truck at isang malakas na impact ng bunggu-an ang nangyari sa araw na iyon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD