Chapter 16

1126 Words
Pagdating ko sa bahay, sa aming lugar ay nagkatinginan agad ang mga kapitbahay ko..Ang iba naman ay nagbubulong-bulungan. "Hindi ba si Loraine iyan? Naku,mabuti at nakauwe na.Sabi ng isa sa mga nag-uumpukan.Ganito talaga dito sa lugar namin kapag hapon na ang daming nagtatambay.Saka naging topic na ang buhay ng iba. "Oy Loraine,sabi ko na nga ba na ikaw iyan eh.Naku lalo kang gumanda at ang puti-puti mo na lalo! Sabi naman ni aling Sedang na inuutangan namin dati kapag wala kaming maulam. "Hi po aling Seda,sila tsang po at Boyet? Tanong ko dito. "Naku iha mabuti at nakauwe ka,ala e kawawa iyong mag-ina sa kinakasama niya ngayon! Laging nabubog eh!Sabi nito na ikinakaba ko. "K-kumusta po sila ngayon? Puntahan ko na lang po muna.Iyong utang po namin na hindi pa na babayaran ilista nyo na lang ho ha,babalikan kita mamaya." Sabi ko naman sa matanda na nasa 60 na yata ang edad.Agad akong tumakbo sa bahay,nakasara naman ang pinto mabuti at hindi ito naka lock.Kaya pumasok na ako.Laking gulat ko pa na nakabulagta ang step mother ko sa sahig at halos hindi na ito nakatayo. "Tsang? Tawag ko sa kawawang babae. " L-Loraine! Loraine salamat at bumalik ka.S-si Boyet nasa kwarto niya nagtatago."Sabi nito sa akin at hawak-hawak ang kamay ko. "Dyan lang po muna kayo,hihingi ako ng tulong.!Tumakbo naman ako sa labas at agad na nagtawag ng tulong.Agad naman tumakbo si aling Seda at talagang may bitbit pa itong listahan na napakahaba. "Aling Seda paki-tawag naman ako ng tulong oh,dalhin ko lang si tsang sa hospital! "Sige Loraine,ito pala ang listahan ng utang.Puro si Boyet lang naman ang... "Mamaya po aling Sedang sige po akyatin ko ulit si tsang at Boyet."Sabi ko  na lamang sa matanda dahil inuuna pa talaga ang pagsabi sa utang ng naiwan ko dito.Agad namang dumating ang mga sasaklolo at binuhat nila si tsang. "Naku Loraine mabuti at nakauwi ka.Sanay na kami makarinig ng sigawan dito at maya-maya bugbugan na! Sabi naman ni mang Caloy na kumpare ni papa.Napailing pa ito habang buhat-buhat si tsang.Naalala ko si Boyet kaya pumasok ako sa kwarto ngunit hindi ko ito makita. "Boyet saan ka? si Ate Loraine ito.Nandito na si ate."Sabi ko na tumutulo ang luha sa sobrang pagkahabag ng biglang bumukas ang aparador at lumabas doon ang kapatid ko. "Ate Lorlor! Tawag nito sa akin at niyakap naman ako nito ng buong higpit. "Nandito na si ate ha,hindi na kayo sasaktan ng salbaheng iyon.P-paanonka nagkasya dyan sa cabinet eh ang laki-laki mo na? Tanong ko pero hindi ito sumagot..Tara sundan natin ang mama mo sa hospital.Sabi ko dito pero hindi parin ito kumibo. "May masakit ba sayo? Sabihin mo kay ate huwag kang mahiya hmm? "A-ayaw ko na dito ate.Huwag mo na akong iwanan! Si mama palaging sinasaktan ni tsong Limuel! Hu!hu!hu! "Huwag kang mag-alala.Palalayasin ko si Limuel dito at dito na muna si ate hmm? "Promise ate? Hindi kana aalis? "Hindi na,kaya huwag ka ng mag-alala."Nakita kong lumiwanag ang mukha ng labing apat na taon kong kapatid.Naisipan kong kasuhan si Limuel ng pananakit at pambubugbog niya sa tsang at kapatid ko.Nagulat ako ng biglang natumba si Boyet kaya humingi ulit ako ng tulong sa mga kapitbahay. Agad naman nadala ang kapatid ko dito sa hospital.Natumba ito dahil sa sobrang taas ng lagnat.Si tsang naman ay may injury sa balikat at paa kaya pala hindi ito nakabangon kanina. Lumabas ako ng kwarto nila ni Boyet para bumili ng pagkain,pero nagtaka ako ng may tumatawag sa akin,kaya inisip ko na lamang na isa sa mga kapitbahay namin. "Loraine,Loraine!Tawag ng baritonong boses at nagulat ako ng makilala ko kung sino ito. "C-Clyde? Lumapit ako sa kanya ngunit bigla naman itong nawala.Imposible na guni-guni ko lang iyon.Napailing na lamang ako at tuloy-tuloy na palabas ng hospital.Namiss ko lang siya dahil kanina ko pa siya iniisip,sila ni Angel.Baka nasa bahay na ang dalawa ngayon at masarap ng natutulog.Sorry Clyde na umalis ako,para din ito sa kaligtasan ninyo ni Angel."Bulong ko sa aking isipan.Nasa canteen na ako at bumili ako ng bulalo para sa dalawa.Mga stock na din na prutas at pagkain.Semi-private room na ang kinuha ko para magkasama ang mag-ina sa kwarto.Hindi ko pa nakakausap si tsang dahil tulog na tulog pa ito.Mabuti na lang pala at nakauwe ako.Paano kung hindi? Kailangan ko muna alagaan ang dalawa sabay ng pagsampa ko ng kaso sa kinakasama ni tsang."Magbabayad kang Limuel ka,hindi na ako makakapayag na masasaktan mo ulit ang kapatid ko!.Bulong ko sa aking sarili habang papunta sa kwarto ng mag-ina. Samantala sa Maynila naman ay nadala na sa hospital sila Clyde at Angel.Tumawag na din ang tumulong na pulis sa magulang nito.Agad naman na pumunta sila Audrey at mga magulang ng lalake sa hospital. "Nasaan na ang anak ko? Tanong ng ina ni Clyde na hindi mapalagay.Sakto naman na lumabas ang doctor galing sa emergency room. "Doc kumusta ang pasyente? Ama niya ako! Tanong ng daddy ni Clyde na kinakabahan. "Under observation pa ang lalake pero ang batang babae ay ok na.Hindi naman siya napuruhan dahil minor injury lang ang natamo niya at pwede na siyang ilipat ng room."Sagot naman ng doctor. "Salamat doc,please save my son! Dagdag naman ng babae na ina ni Clyde. "Kasalanan ito ni Loraine ninang,tingnan mo nga wala siya dito! Baka lumandi na naman iyon!Sabi ni Audrey. "Audrey pwede ba?Hindi ka nakakatulong. Saway ni Claudio sa babae. "Ninong naman,hindi kasi maganda ang dala ng babaeng iyon sa atin eh.Para bang may humahabol sa kanya! "I said enough! Walang kasalanan si Loraine.Mabuti siyang babae! "At paano mo nasabi iyan Claudio? Tanong ng ina ni Clyde sa ama nito. "Claudia nagpa imbestiga ako.Pinaimbestigahan ko si Loraine habang nandito tayo sa Manila! "Nagsayang ka pa talaga ng pera sa babaeng iyon? Kung mabuti siya,saan siya ngayon? Bakit wala siya dito ngayong kailangan siya ni Angel at Clyde ha? "Hindi ko alam Claudia! Basta baka may dahilan siya! "Ninang, ninong! Huwag na kayo magsigawan dito,nakakahiya! Sabi ni Audrey sa dalawa. "Umuwe ka muna Audrey,tawagan ka nalang namin kung ok na si Clyde"Sabi ni Claudia sa babae. "Sige po ninang,maiwan ko muna kayo.Ninong sige po..Paalam nito sa dalawa at tumango lang ang mga ito.Lumabas ulit ang doctor at kinausap ang mag-asawa. "Comatose ang anak ninyo sir maam! At hindi alam kong magigising pa ito.At may tendency din na magka amnesia ito kung sakaling magising dahil siya ang napuruhan sa aksidente.Hinarang niya ang katawan niya sa bata para hindi ito masaktan.Mahal na mahal ni Clyde ang anak niya. Pwede na din siya ilipat ng kwarto para maayos siyang magamot.Maiwan ko na ho muna kayo maam,sir at may pasyente pa akong aasikasuhin."Sabi ng doctor sa mag-asawa. "Salamat doc."Tanging sagot na lamang ni Claudio at inabangan ang paglabas ng anak para dalhin na ito sa sariling silid dito sa hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD