Namiss na ni Loraine ang mag-ama,gusto na niyang bisitahin ito pero iniisip niya na baka makita siya ng mga nag-aabang sa kanya.Hindi din naman niya maiwan si Boyet at madrasta niya na ngayon ay nagpapahinga na sa kanilang bahay.Kakalabas lang ng dalawa sa hospital at siya ngayon ang nag-aalaga sa dalawa.Isang buwan na din ang nakalipas matapos ang mga nangyari.
"Loraine,Saan ka?Tawag ng kanyang madrasta.
"Bakit ho may kailangan po kayo?
"Pakisuyo naman ako niyang box na nasa taas ng aparador.May iniwan pala diyan ang papa mo para sayo.Pasinsya kana kung hindi ko nabigay sayo ha,." Sabi nito sa dalaga.Laking pasalamat nito kay Loraine dahil nailigtas nito ang buhay nilang mag-ina.
Inabot naman ng dalaga ang kahon at may kinuha ito sa loob na box na maliit din.
"Ito kunin mo,naisanla ko kasi iyan noon at gumawa ako ng paraan para mabawi iyan.Dahil dyan nabugbog ako ni Manding dahil gusto niyang kunin ulit iyan.Loraine pasinsya kana at hindi ako naging mabait sayo noon!
Sabi nito na naluluha.
"Tapos na po iyon,huwag na ninyong alalahanin pa.Ang mahalaga ho sincere kayo.Magpagaling na po kayo.Na miss ko na ho iyong mga luto ninyo.
Sabi ng dalaga sa madrasta,kahit naman kasi palagi siyang pinag-iinitan noon ay maasikaso parin ito.
"Ate,huwag kana pong umalis ha? Sabi ng kapatid niyang si Boyet.
"Aalis parin ako Boyet pero hindi pa ngayon."Nalungkot naman ang kapatid sa narinig.
"Pero isasama ko kayo ni auntie.Ibebenta natin itong bahay na ito para mag-umpisa tayong muli.Sabi niya at natuwa naman si Boyet.
"Akala ko ba mahalaga sayo ang bahay na ito? Sabi naman ng madrasta niya.
"Noon auntie,pero naiisip ko ho na malayo dito sa lahat.May konting ipon naman ako pwede tayo mag-umpisa sa maliit na negosyo.
Sabi nito sa babae na seryosong nakikinig lang sa kanya.Nang biglang dumilim ang paningin niya at naduduwal siya.
"O-ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Pag-alala ng madrasta ng babae.
"Ok lang ako auntie,kailangan ko yatang magpacheck-up.Sabi na lamang nito.
"Sasamahan na kita baka mapa-ano ka!
"Huwag na po,ako nalang.Bumabawi pa lang po kayo ng lakas.May niluto na ako ng lunch dyan auntie,kumain na lang kayo.Pupunta lang ako sa doctor. Paalam ng dalaga at dali-dali itong nagbihis.
"Hindi,hindi ito pwedeng mangyari."Bulong ng dalaga sa isipan niya dahil hindi na siya nadadatnan.
"Clyde,bakit hindi kita matawagan? Bakit hindi ko makontak ang numero mo? Umiiyak na ang dalaga habang dina dial parin ang number ni Clyde.
Tumuloy na siya sa doctor para magpacheck-up at tama nga ang hinala niya.8 weeks na siyang nagdadalang tao.Wala ng magawa ang dalaga kundi tanggapin ang katotohanan,nasa botika siya habang bumibili ng mga bitamins na niresita ng ob sa kanya ng may biglang tumambi sa kanya habang hinhintay ang mga gamot na nerisita.
"Hi,sinong may sakit? Sabi ng lalake na kakarating lang.
"Oy,Lando ikaw pala! Ahm...si Auntie at boyet.Pagsisinungaling niya...Ikaw Kailan ka lang dumating?Tanong nito sa lalake na titig na titig sa kanya.
"Kagabi lang,uuwe kana ba?
"Oo eh wala kasing mag-alaga sa mag-ina.Sabi nito habang kinukuha ang pinamili.
"Hatid na kita,para hindi kana magtatrysikel! Pag-alok nito sa dalaga.
"Basta libre ha? Hindi kita hihindi-an makabayad ka man lang sa mga palibre kong pagkain noong high school tayo! Sabi ng dalaga na tumatawa.
"Oo na,naalala ko iyon.Nanunumbat ka pala ha! Sabi ng binata na nakangiti.
"Wow Lando,asensado kana ngayon ah! Sayo ito? Sabi ng dalaga ng makita ang kotse ni Lando.
"Ah oo,hulugan lang.Alam mo na mahirap umuwe dito sa atin kapag wala kang sariling sasakyan.Utang lang sa boss ko! Sabi nito sa dalaga.
"Sosyal! Bagong-bago ah! dagdag pa ng dalaga..
Agad naman binuksan ni Lando ang pinto at pinasakay si Loraine.Agad namang pinaandar na ang sasakyan papunta sa bahay ng dalaga.
Samantala nakalabas na din si Angel sa hospital.Si Clyde naman ay ligtas na din ngunit wala itong maalala.Kaya inuwe na nila ito sa mansyon para doon ay maasikaso ng maayos.Naawa naman sila manang Agnes sa sinapit ng binata.
"Sir,kumusta kana? Ako ang mag-aalaga daw sayo sabi ng daddy Claudio mo.Sabi nito sa among lalake at nakatingin lang si Clyde sa kanya.
"Angel,kumain kana muna ha.Kailangan mo din gumaling eh! Sabi ng yaya sa bata.
"Gusto ko si ate Loraine,saan po s'ya? Tanong nito sa babae.
"Nawala kasi si ate Loraine sa araw din mismo ng may nangyari sa inyo." Sabi ng yaya na bisaya.
"Saan po siya? Ang sabi niya sa akin noon pupunta lang siyang mall tapos hindi na bumalik.Noong pinuntahan namin ni dad ang sm,sabi ng guard may humahabol daw kay ate Loraine eh kaya naligaw siguro siya!
Sabi naman ng bata.
"Hayaan mo kapag hindi na naligaw si ate Loraine at alam na niya dito,makakauwe na iyon kaya kumain kana ha? Sabi ni yaya Anging sa bata.
"Sige po kakain na po ako! Sabi nito at sumubo na.Tiningnan naman nito ang daddy Clyde niya na ang alam parin ng bata ay ama niya.
"When po gagaling si dad? Why he's not talking po? Tanong nito kay Agnes na sinusubu-an din ang amo.
"Wala pang nakakaalam baby kung kailan siya maging ok eh.Pero pray lang tayo ha for his fast recovery?
"Opo,always naman po akong nagdadasal for him eh! Sabi naman ng bata.Ngunit nagulat sila ng biglang dating ni Audrey at ang bata na naman ang nakita.
"Angel hindi ba i told you na huwag kang pumapasok dito sa room ng daddy mo?
Sabi nito sa bata na nanlilisik ang mga mata.
"Why naman po he is my daddy! I want to see him always po.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!.Pumasok ka sa room mo at doon ka tumambay hindi dito!
Sabi nito at hinila ang bata palabas.
"Aray ko po ang sakit! I'm eating pa eh!
Sabi ng bata at wala naman magawa si Agnes para pigilan ito.Nakatingin lang din si Clyde dahil nga wala pa itong maalala at hindi alam ang nasa paligid niya.
"Kain lang po kayo sir ha,para maging maayos na po ang lagay ninyo!
"Manang Agnes! Tawag ni Audrey sa matanda at iniwan muna saglit si Clyde.Nakita naman ni manang na walang malay si Angel at may sugat ito sa braso at paa.
"A-anong ginawa mo sa bata maam?Bakit nyo naman po hinataw ng palo? Tanong na lamang nito sa babae.Na naawa sa kalagayan ng bata.."Kung nandito lang sana si sir Claudio ay hindi nito masasaktan ang bata."Sa isip na lamang ni manang Agnes.Bumalik kasi muna ang mag-asawa sa Amerika dahil may aayusin lang at babalik din naman agad, nagpaiwan na lang muna si Audrey.
"Gamutin mo iyan! Matigas ang ulo kaya napalo ko nitong sinturon! Sabi ng babae sabay alis.
Habang si Clyde naman ay nakatingin lang sa malayo at walang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid.