Paalis ng bahay ang dalawang mag ninang.Hindi ko naman nakita pa si Clyde.Si Angel naman ay maagang natulog dahil may pasok na bukas.Wala din ang dalawang katulong at si tita Agnes.Bakit parang nag-iisa lang ako sa mansyon ngayon?Pumasok nalang ako sa kwarto ko at magbasa na lang ng pocket book.Naisipan ko sa kwarto ako ni Angel kaso baka magising ang bata pag intense na iyong binabasa ko.May pasigaw pa naman ako kung naiinis ako sa mga kontrabida kaya sa kwarto na lang ako magtatambay.
"Iha tara na at ma le late na tayo sa kasayahan!
"Yes ninang,wait lang at may kunin lang ako sa kwarto ko.
Bumalik naman si Audrey sa taas at kinuha ang bag niya.Pero bago ito bumaba ay may tinawagan muna.
"Saan na kayo?paalis na kami ng mansyon! Sabi nito sa kasabwat upang kidnapin si Loraine at pagsamantalahan naman ng dalawa bago ito patayin.
"Nandito na kami hinihintay nalang namin kayo makalabas.Sigurado ka ba na wala ng tao dyan?
"Wala, umalis si ninong at Clyde.Si manang Agnes naman at dalawang katulong tulog na dahil may pinainom akong juice na may gamot.Kaya kayo gawin na ninyo ang balak ko bago makarating si ninong at Clyde,bye na at hinihintay na ako ni ninang sa baba.
Pagkatapos makausap ang dalawa ay bumaba na nga ito.Ang saya-saya pa ng babae dahil mawawala na sa landas niya si Loraine.
"Iha bakit ang tagal mo naman?
"Sorry ninang tumawag kasi si mommy nangangamusta.
"Ganun ba sinabi mo ba na next week na ang balik natin sa U.S?
"Hindi pa po.Parang gusto ko mag-extend eh.
"Ganun ba,pwede ka naman magpaiwan iha!
"Sige po,magpaiwan muna ako.Total naman wala pa naman akong gagawin doon.E enjoy ko muna ang bakasyon ko dito ninang.
Kwentuhan ng dalawa habang nasa kotse papunta sa party ng kaibigan ng donya.
Samantala sila Clyde naman ay pauwe na galing sa tiningnan nila lote na bibilhin para pagtayu-an nila ng mall.Excited ng umuwe ang lalake dahil na mimiss niya ang nobya.Buong araw niyang hindi nakita ito dahil maghapon sila sa pinuntahan nilang mag-ama.Inasar pa niya ito kagabi bago sila matulog dahil lang sa mga plato.
Si Loraine naman ay nakaramdam na ng antok dahil sa pagbasa ng may narinig siyang kaluskos sa likod na parang sa kusina dumaan.Baka pusa lang daw kaya hindi na niya ito pinansin at ipinikit na ang mga mata.Hinayaan niyang nakabukas ang pinto para makapasok si Clyde kapag maisipan nitong tingnan siya.
"Pare saan daw dito ang kwarto ng Loraine? Ang daming pinto eh!
"Basta buksan nalang natin,hindi ko naman natanong kay Audrey kung saang room ang babae.Bilisan natin baka darating na ang mag-ama!
"Basta kukunin lang ba ang babae pare?
"Hindi na,kahit dito na natin tikman at i ready lang ang picture pare para ma send natin kay Audrey at maipakita natin ang ibendensya na nakuha natin ang babae at may ipakita siya sa gusto niyang lalake at maghiwalay ang dalawa.
"Sige pare,ako na bahala.Itong kwarto na ito bukas!
"Troy sandali,mukhang may tao sa kabilang kwarto eh biglang sumindi ang ilaw!
"Pasok na agad Lando! Hinila ni Troy ang kasama niya at pumasok na sa kwartong hindi naka lock.Tama nga sila ng napasok dahil nakita agad nila si Loraine na tulog na at nakatakip sa mukha ang pocketbook na binasa.
"Pare ang sexy! Sabi ng isa dahil nakataas ang bestida na suot ng babae.
"Ako na mauna Lando ha,mukhang fresh na fresh ang babae.I ready mo na ang camera at ako na ang mauna!
"Cool,i lock mo ang pinto at mag-eenjoy tayo nito.
"Pare hindi kaya kung...dalhin nalang natin sa apartment natin iyan? Doon pwede tayo mag-ingay at kahit magising pa iyan!
"Pwede din,pero wala namang tao dito Lando,natatakam na ako eh!
Sabi ni Troy na halatang gutom na gutom sa babae.Agad nitong kinuha ang pocketbook na nakatakip sa mukha ni Loraine at namangha ito sa magandang mukha ng babae.
"Troy nakatulala ka d'yan? Tanong ni Lando sa kanya.
"Ang ganda pare! Kahawig ni Assunta de Rossi basta maganda!
"Patingin? Biglang napa atras si Lando dahil kilala niya ang babae.Kapitbahay niya ito sa lugar nila at naging kaibigan din dahil naging kaklase niya si Loraine mula first year high school hanggang 4th year.Naghiwalay lang sila ng lumuwas na siya ng Manila para dito na magkolihiyo na hanggang ngayon ay hindi parin siya tapos dahil malakwatsa mula ng makilala niya si Troy at naging kaibigan.
"Troy,huwag na natin ituloy!
"Bakit sayang ang 250k pare! Sabi ni Troy habang tinataas ang damit ni Loraine.
"Sabi ng huwag na nating ituloy eh!
"Kung ayaw mo ako nalang,picturan mo nalang kaming dalawa!
"Hindi na,sapat na itong mga kuha natin! Tara na at may narinig akong kaloskos sa labas.
"Wait,tabihan ko lang habang hinahawakan ang kanya para patunay na nagalaw natin siya.Sayang ang 250k pare.
Wala ng nagawa si Lando kaya sinunod nalang ang sabi ng kaibigan ng biglang gumalaw si Loraine dahil sa pagtabi ni Troy at naimulat nito ang mga mata.
"S-sino kayo? Tanong ni Loraine pero agad nasuot ng dalawa ang mask nila kaya hindi agad nakilala ng dalaga ang dalawa.
"Sino kayo! tulong! tulong!
Sigaw ni Loraine ngunit mabilis na tumakbo ang dalawa palabas at sakto naman na dumating si Clyde at ang ama nito.Narinig pa ni Clyde ang sigaw ni Loraine.Kaya agad tumakbo ang binata sa dalaga.Nakasiksik si Loraine sa dulo ng kama at halatang takot na takot ito.Nang marinig ni Clyde sa likod ng mansyon na parang may tumatakbo ay sinundan niya ito.At pumasok naman ng kwarto ang daddy ni Clyde at tinanong ang babae kung ano ang nangyari sa kanya.
"Iha ok ka lang? Tanong nito kay Loraine.
"M-may nakapasok po d-dito sa kwarto ko.Dalawang lalake ho..
Sabi nito na pautal-utal.
"Sino naman ang mga pangahas na makapasok dito na mataas naman ang gate natin?
"H-hindi ko po alam basta tulog ako.Nagising nalang ako ng...ng...Hindi masabi nito dahil umiiyak na ito.
"Shh..ok kana iha.Si Clyde baka anong mangyari sa anak ko.Dito ka lang at susundan ko siya!
Lumabas na nga ng kwarto ng dalaga ang ama ni Clyde ngunit napatigil ito ng may dalawang putok ng baril silang narinig.