Chapter 12

1158 Words
Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako.Hindi man lang bumalik si Clyde sa kwarto ko para sabay na kaming kumain.Pagdating sa kusina ay nakita ko ang isang katulong na nagliligpit ng mga plato.Kakatapos lang pala nila kumain. "Ow,bumaba na ang buhay reyna sa pamamahay ko! Nagulat ako sa ina ni Clyde na nasa likuran ko na pala. "Umalis ka dito hindi ka karapat dapat dito!Isa ka lang basahan para sa lugar na ito!Walang modo! "Bakit lahat naman ng tao sa mundo ay pantay-pantay ah! Magkaiba man ang antas ng buhay natin,pareho lang naman tayong nabubuhay sa mundong ito! "Bakit ano ka ba sa tingin mo? Pinulot ka lang ng anak ko! "Maam pasinsya na po ha at mawalang galang na po.Matanda na po kayo para kukuntrahin pa ang anak ninyo.Si Clyde po ay may edad na at alam na niya ang tama at mali.Opo mahirap lang ako,nagmula sa mahirap na pamilya pero alam ko po paano gumalang at lumaban kung hindi na tama..Magkaiba man ang kinagisnan natin sa mundo lahat tayo ay pare-parehong tao.Nasasaktan din po kaming mga mahihirap at may damdamin din po kami.. Sabi ko na naiiyak na.Hindi ko na kasi kaya ang mga lumalabas sa bibig niya. "Ninang masarap dyan sa babaeng iyan kaladkarin palabas! Marunong ng sumagot sagot akala mo naman kung sino! "Don't mind her iha,may oras din sa akin ang babaeng ito hanggang aalis iyan dito sa pamamahay ko..Tara na at mag beauty rest na tayo dahil bukas ay mag enjoy tayo. "Oo nga naman ninang..Masisira lang ang beauty natin sa kanya. Agad ngang tumalikod ang dalawa at tumatawa pa. "Maam Loraine kumain na po kayo.Hindi kana pinagising ni sir Clyde kanina dahil ang sarap ng tulog ninyo.Kung itatanong mo daw po siya nasa office lang po siya nitong mansyon maam..Sabi ng katulong na kasama ni tita Agnes. "Sige po,pupuntahan ko nalang siya doon para yayain ng kumain.. "Naku maam nakahanda na po ang dadalhin na pagkain sa kanya.Kapag busy po siya doon na ito kumakain. "Ganun po ba? Akin na po ako nalang ang maghahatid sa kanya. "Ok lang po ba maam? baka pagalitan po kami na inuutusan ka namin. "Magdadala lang naman po ng pagkain niya.Akin na po.. "Ito maam,medyo mainit po ha.. Kinuha ko naman ito at dinala na sa office ni Clyde.Kumatok muna ako bago pumasok..Pagkapasok ko ay nakita ko itong tutok na tutok sa laptop. "Kumain ka muna Clyde,ako na nagdala ng pagkain mo..Tumingin naman ito sa akin at ngumiti. "Bakit ikaw ang nagdala niyan dito? Kumain kana ba? "Hindi pa,kakain na din ako after nito. "Sabayan mo na ako... "Hindi na para lang saiyo ito noh! Mamaya mamaya makulang ito ako pa sisihin mo. "E di ikaw nalang kakainin ko pag gutom pa ako! Namula naman ako sa sinabi niya. "Sira! Dyan kana nga! "Loraine joke lang,seryoso sabayan mo na ako.First time ko kayang may kasabay kumain kung sasabayan mo ako ngayon. Napatingin naman ako sa kanya. "Seryoso ka? "Oo,hindi ako nagbibiro! "Bakit? "Wala lang,basta ayaw nila akong makasabay kumain...Sabi pa nito na nakangiti. "Dahil matakaw ka siguro,inaagawan mo sila ng pagkain.. "Hindi ha...Takot lang sila sa akin... "Dahil napaka seryoso mo! Sabi ko dito na nakangiti. "Oo,seryoso talaga ako pagdating sayo..Dahil ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay! "Totoo ba iyan? Baka mamaya niyan kapag makakita ka na ng mas nababagay sayo,basta mo nalang ako iiwanan... "Hindi ha,wala ng gaganda at sesexy pa kay Loraine kahit sino pang pinakamayaman iyon...Halika nga dito? Lumapit naman ako sa kanya at agad naman ako nitong niyakap. "Mahal din kita Clyde,pangako ikaw lang din ang mamahalin ko habang buhay... Mas humigpit naman ang yakap nito sa akin sabay halik naman nito sa aking ulo. "Magyakapan nalang ba tayo? Hindi na tayo kakain? Sabi ko dito. "Nabubusog na ako kapag kayakap kita eh...Sabi nito at kinurot ko naman ito sa tagiliran. "Ouch,ang hard mo ha.Sadista ka pala? sabi nito ma tumatawa.. "Ang arte,hindi naman malakas iyon ah! "Joke lang po...Sabay halik nito sa akin labi.At kumain na kami.Hindi basta-bastang tao si Clyde,hindi ko inaakala na ganito pala siya kalambing.Pero ano iyong sinabi ng ina niya kanina? May tinatago ba si Clyde sa akin? "Ano titigan mo lang ba ako ng ganyan? Masyado bang pogi ang nobyo mo? Sabi nito na nakangiti.Kaya nginiti-an ko nalang din siya. "Tapos na ako,kumain ka lang...Ahm..Clyde.... "Yes? may sasabihin ka ba? "Ah..wala...sige tapusin mo na ang pagkain mo..Para masabay ko na pagdala sa kusina. "Loraine kung may tanong ka huwag kang mahiya sa akin ha.Sasagutin ko naman eh! Ayaw ko na may bumabagabag dyan sa isipan mo..Seryoso nitong sabi sa akin at bigla itong tumayo saka lumapit sa akin. "Hindi ka pa tapos kumain ah! Ubusin mo na muna ang food mo! "Busog na ako,i want to kiss you...I can? Sabi nito kaya tumango nalang ako.Sabay pinatayo ako nito at maalab akong hinalikan sa labi pababa sa aking leeg..Habang ang mga kamay nito ay sa aking dibdib. "I love you Loraine..Bulong nito sa aking tainga. "I love you too,Clyde. . At unti-unti akong pinahiga nito sa malambot na sofa. "Clyde may gagawin ka pa...Sabi ko dito habang hinuhubad nito ang damit na suot.. "Hindi naman busy babe eh..Ewan ko ba sa tuwing nakikita kita,binubuhay mo ang alaga ko.. "Loko ka talaga.Sige na gawin mo na ang gagawin mo.You can sleep my room tonight...Sabi ko dito at ngumiti naman ito. "Talaga? yes!!!! Natatawa nalang ako sa reaksyon niya. "Oo kaya akin na iyang mga pinagkainan natin at ibaba ko na ha..Pupuntahan ko pa si Angel.. "Ok babe...see you later ha..I love you! "I love you too! At lumabas na ako sa office niya. Talaga naman napa clingy ng boyfriend ko..Sabi ko ng tuluyan na akong nakalabas ng opisina niya.Ngunit nagulat ako ng hinarangan ako ni Audrey.. "Tanghaling tapat nakipaglandi-an ka sa kinakapatid ko ah! Sabi nito,nilagpasan ko nalang siya ng bigla nitong hinila ang buhok ko.. "Aray Audrey nasasaktan ako! Sabi ko ng biglang bumukas ang pinto ng office ni Clyde.. "Bitiwan mo s'ya Audrey! Sigaw niya sa babae..Agad naman binitiwan ng babae ang buhok ko.Pakiramdam ko parang matatanggal na ang anit ko sa ulo. "Huwag na huwag mo ng uulitin ito dahil sa oras na makita kitang muli na sinasaktan si Loraine,hindi ka na makaka apak pa sa pamamahay na ito! Hindi na nakaimik pa si Audrey at tumalikod na agad.Pero masama muna akong tinitigan nito. "Masakit ba? Bakit hindi mo ako tinawag? Sabi ni Clyde sa akin. "Ok lang ako,bakit ka lumabas? "Kukuha lang ako ng juice sa kusina..Mabuti lumabas ako kung hindi baka ano na nag nangyari sayo.. "Ok lang ako,biglaan eh hehehe... "Tss...nakuha mo pang tumawa..Halika na samahan na kita sa kusina at akin na iyang bitbit mo.Kawawa naman ang mga ito kung nabitiwan mo...Sabi nito na nakangiti na naman. "Seryoso ka? Mas inaalala mo pa ang mga iyan kung nahulog? Sabi ko na sumusunod sa kanya habang naglalakad.Napakamot nalang ako sa ulo ng hindi ako nito nilingon ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD