Chapter 12

1193 Words
Ilang araw na ang lumipas simula ng pumasok ang masamang balita tungkol sa pamilya ni Nita.  Sinamahan nya ito sa pagluluksa at ngayon nga ay sinusubukan ng dalaga na iahon ang sarili sa kalungkutan.  This day is the first day of her class dapat ay masaya siya pero dahil nakikita niyang malungkot si Nita hindi niya magawang magsaya.  " Nita anong gusto mong pasalubong?" Tanong niya rito.  Hinatid siya nito sa sasakyan.  " Wala ma'am Agatha mag-ingat po kayo"  Tumango nalang siya at pumasok na sa sasakyan.  Tahimik lang siya sa buong byahe. Nakatingin lang siya sa labas hanggang sa huminto na ang sasakyan sa gate ng paaralan.  " Ma'am Agatha gusto nyo po bang ipasok ko na sa loob?" Tanong sa kanya ng driver niya.  Umiling naman siya bilang tugon. Ayaw niyang makaagaw ng atensyon.  Pumasok siya sa loob at tinignan ang mga tao sa paligid.  May mga iilang grupo ng kababaihan ang dumadaan.  Napatingin naman siya sa schedule na hawak niya. English ang first subject niya at maaga pa kaya pwede pa siyang maglibot.  Malawak ang eskwelahan at halatang anak ng mayayaman ang nag-aaral dito. May nakita pa siyang iilang sasakyan na nakapark sa loob.  Naglakad lang siya at patuloy na tinitignan ang paligid ng mapadako ang tingin niya sa isang babae na hirap na hirap na nagpapamigay ng flayers.  Nakasuot ito ng mahabang uniform ng kagaya ng kanya mukhang magkakurso silang dalawa.  Masayang naglakad siya palapit rito.  " Hello " kaagad naman itong napatingin sa kanya.  Ngumiti ito at nakita niya ang nakabrace nitong mga ngipin. Maganda ito natatabunan lang ng magulo nitong buhok at ang makapal nitong salamin.  " Ano yang pinamimigay mo?" Takang tanong niya rito.  Inabutan naman siya nito ng isa. Kaagad naman niya iyong kinuha at tinignan.  " Coffee shop?" Takang tanong niya rito.  " May coffee shop malapit dito sa school " nahihiyang sambit nito sa kanya.  " Anong year ka na?" Masayang tanong pa niya.  " First year "  " Where on the same year, I'm Agatha" pagpakilala niya rito.  " Zane " maikling sambit naman nito.  " Gusto mong tulunga kita Zane?" Alok niya rito.  Alangan man ay inabot pa rin nito sa kanya ang ilang flayers na hawak nito.  Masayang ginaya nya ang gingawa nito.  Kasalukuyan na silang namimigay ng flayers ng mag-ingay na ang mga babaeng nasa paligid nila.  " Sir Xian " manghang sambit ng katabi niya.  Nilingon naman niya ang tinitignan nito at iyon nga si Xian.  Naglalakad ito nakasuot ito ng slacks at isang blue na polo mukhang uniform ng mga teacher yon.  Nakasuot din ito ng salamin kaya kitang kita ang pagiging instrikto nito.  " Mukhang sikat siya rito " hindi na niya napigilang ibulalas.  " His famous specially with girls, gwapo kasi at mayaman, anak pa ng may ari or do I say siya na ang may-ari sa school na to " simpleng sambit naman nito habang hindi inaalis ang tingin sa naglalakad na guro.  Ibabalik na sana niya ang atensyon sa kaninang ginagawa ng mapansin niyang napalingon ito sa direksyon niya.  Ngumiti nalang siya at kumaway rito.  Ang buong akala niya ay hindi siya nito papansinin pero nagkamali siya.  Naglakad ito papunta sa direksyon nila.  " She's going here " gulat na gulat na sambit ni Zane.  Mukhang isa rin to sa fam girl ng lalaking ito.  Huminto ito sa mismong harapan nila. " You have a class Agatha " simpleng sambit nito sa kanya.  " Maaga pa " sagot naman niya rito.  Kumuha ito sa flayers na hawak hawak niya.  " Your joining this club?" Takang tanong nito sa kanya.  " Club?"  " Your helping other without knowing what it is" amuse na sambit nito sa kanya.  Napanguso naman siya at tinignan ang hawak hawak niyang flayers.  " Cafe Vanilla " basa niya sa pangalan ng coffee shop. " Join them, I will allow you just go home before nine " diretsong sambit nito bago binalik sa kanya ang flayers.  Pagkaalis nito ay naiwang tulala ang katabi niya.  " Your living in the same house " manghang sambit nito sa kanya. Tumango naman siya at alangang ngumiti rito.  Tama bang sabihin niya na asawa niya si Xian o kaylangan niyang itago.  Ayaw niyang magsinungaling sa bagong kaybigan.  " Agatha Del Rio " pagpapakilala niya sa buong pangalan niya bahala na kung anong isipin nito.  " Oh! My good sister ka ni Sir Xian, Oh! My kaya pala ang ganda ganda mo " tuwang tuwang sambit pa nito sa kanya.  Napangiti nalang siya ng bigla nalang tumunog ang cellphone niya.  Your class will start at nine your going to be late Agatha.. basa niya sa message na galing kay Xian.  " Sorry Zane pero mauna na ko sayo baka malate pa ko " paalam niya rito.  May oras pa naman siya para mahanap ang classroom niya.  Malawak ang school pero nakadivide naman ang building sa bawat kursong meron ka.  Naglakad siya sa papunta sa building A kung nasan ang culinary arts.  Napangiti pa siya at namangha sa paligid.  May label naman ang bawat classroom kaya wala siyang kaligaw.  Pagpasok niya sa classroom ay bumungad sa kanya ang iilan niyang mga kaklase.  Ngumiti lang siya ng tipid at naghanap ng mauupuan.  Napansin din niyang busy ang ilan sa paglalagay ng kolorete sa mukha.  At puno ang upuan sa harap. Puro babae ang nakaupo.  Alangan man ay naghanap siya ng upuan malapit sa harap. Nakakita naman siya pero masyado iyong malapit sa bintana.  Pero ok na kaysa sa likod.  Pumwesto siya roon at inabala ang sarili sa pagtingin sa labas.  Ilang minuto na siyang nasa ganong ayos ng mag-ingay na ang mga kaklase niya.  Napatingin siya sa harapan. Kaya pala puro babae ang nasa harapan.  " Good morning class I'm your Professor for this subject I know some of you already know me but let me introduce my self I'm Xian Del Rio you can call me sir Xian"  Diretsong pagpapakilala nito. Sinulat pa nito ang pangalan nito sa white board.  " Sir can we ask some questions?" Maarteng sambit ng isang babae sa harapan.  " Sure go ahead "  " Sir ilang taon ka na po "  " I'm already thirty four " simpleng sagot nito.  " Sir " may nagtaas pa uli ng kamay.  " Go ahead "  " May girlfriend ka na po?" Nahihiya pang tanong ng isang babae malapit sa kanya.  " I'm already married " simpleng sagot nito.  Dahilan para malungkot ang lahat.  " Enough of this lets start our day I already introduce myself now it's your turn, I will call your surename and start introducing yourself "  Tumango naman ang lahat at sumangayon sa gusto nito. Nagumpisa na nga roll call at kinakabahan siya sa pagbanggit nito sa pangalan niya.  " Mrs. Del Rio " pakiramdam niya ay hindi nagsink in sa utak niya ang sinabi nito.  " Mrs. Del Rio "  Ulit nito sa pagtawag sa kanya.  Halata namang nag-aabang ang lahat kung sino ang tatayo.  Alangan man ay tumayo na siya. Napatingin ang lahat sa kanya. Ang ibang babae ay masama ang tingin sa kanya.  Ngayon alam na niya kung bakit siya pinayagan ni Xian na mag-aral muli. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD