Akala ko magiging payapa ang pag-aaral ko. Akala ko itatago ni Xian ang relasyon naming dalawa pero akala ko lang ang lahat ng iyon.
Hindi ko alam na nagresign na siya sa dating school na pinagtatrabahuhan niya.
Hindi ko rin alam na may school pala silang pinapatakbo at hindi ko alam na hanggang dito ay bantay sarado pa rin ako.
" Eat " utos nito sa kanya.
Kasalukuyan silang nasa canteen ng school at pinagtitinginan ng lahat.
Kahit saan yata magpunta ang lalaking ito ay makakaagaw ng atensyon.
Kumuha nalang siya ng adobo na nakahain sa harapan niya ngayon. Tinanong siya nito kanina kung ano ang gusto niyang kainin.
Nang sinabi niyang gusto niyang kumain ng adobo ay kaagad naman itong sumangayon kahit na wala siyang nakitang adobo sa menu ng canteen.
Kumakain lang siya ng matiwasay ng mapansin niya si Zane na tumitingin tingin sa paligid.
Kaagad niyang tinaas ang kamay niya para makuha ang atensyon nito.
Napatingin naman ito sa direksyon niya at nakangiting lumapit sa kanila.
Napahinto lang ito ng mapansin kung sino ang kasama niya.
Kaagad niyang tinuro rito ang upuan sa tabi niya. Nahihiya man ay umupo na rin ito.
" Anong pagkain mo Zane?" Tanong niya rito.
Pinakita nito ang pasta na pagkain nito at isang tinapay.
" Ayan lang ang kakainin mo sa lunch?" Tanong niya rito.
" Ayan lang kasi ang nakita kong mabigat sa tiyan"
Napadako ang pansin nito sa adobo at kanin na nasa harapan niya.
" Gusto mo?" Alok niya rito.
Umiling naman ito at pinagtuunan ng pansin ang pag-kain nito.
" Stop talking Agatha " suway naman sa kanya ni Xian.
Inismiran nya ito at nagpatuloy nalang siya sa pagkain.
May pagkain rin sa harapan nito pero hindi nito gaanong ginagalaw nakamasid lang ito sa pag-kain niya.
Pinagbabawalan siya nito pero hindi rin naman ito kumakain. Masamang ihemplo talaga ang lalaking ito.
" I have a meeting tonight " pagiimporma nito sa kanya.
Tumango lang siya bilang tugon. Tahimik lang naman si Zane na nakikinig sa kanila.
" Nga pala Zane may lakad ka ba mamaya?" Curious kasi siya sa flayers na pinamimigay nito kanina.
Gusto niyang puntahan ang cafe na iyon mukhang maganda.
" Pupunta ako sa cafe " maikling sagot nito.
Ramdam niya ang pag-kailang nito sa lalaking kaharap nila.
" Sama ko " masayang sambit pa niya.
Napalingon naman ito kay Xian na kaagad lang tumango. Pinayagan na siya nito kanina kaya wala ng bawian.
" Sure gusto mo rin bang sumama sa amin, it's a club group inaprobahan kami ng president ng school " bibong sambit pa nito sa kanya.
Tumango naman siya at akmang magsasalita pa ng tinignan siya ng masama ni Xian.
" What?" Takang tanong niya rito.
" Pwede kang sumali pero di ka pwedeng magserve " simpleng utos nito sa kanya.
" And why?"
Maya maya lang ay may pinakita sa kanya si Zane.
" Uniform ng nagseserve " nahihiyang sambit nito sa kanya.
Napakunot naman ang noo niya sa pinakita nito. Ano namang mali sa damit nato. Para lang itong isang maid costume sa isang anime.
" Anong mali dito?"
" It's to short " maikling sambit sa kanya ni Xian.
" Sa kitchen pwede ako?" Masayang tanong pa niya.
" Senior year lang ang pwede sa kitchen" imporma sa kanya ni Zane.
" You can if you want " seryosong sambit sa kanya ni Xian.
" Pero hindi daw pwede "
" Your my wife Agatha walang bagay ang hindi ko kayang ibigay sayo "
Nasamid siya sa sarili niyang laway sa sinabi nito.
Napatingin tuloy siya kay Zane na gulat na gulat sa nalaman nito.
Misan talaga walang filter ang bibig ng lalaking ito.
Akmang tatayo na sana si Zane ng pigilan niya ito.
" Saan ka pupunta?"
" Nakakaabala yata ako "
" No your not " tumayo si Xian at may inabot sa kanya.
" Ano to?"
" Key " maikling sambit nito sa kanya.
" Para saan "
" Office "
Tumango na naman siya at hinayaan na itong umalis. May klase pa siguro ito kaya kaylangan na siyang iwan.
" Zane " tawag niya sa katabi.
" Your sir Xian's wife " gulat na gulat na sambit nito sa kanya.
" Sorry kung hindi ko nasabi "
" It's alright it's just, ang cool akala ko sa mga novela ko lang iyon nababasa but here you are " gulat na gulat na sambit nito sa kanya.
" Ok " hindi niya alam kung anong irereact niya.
" Oh may Agatha, anong pakiramdam asawa mo ang lalaking hinahangad nang lahat " kinikilig pa ito habang sinasabi ang mga katagang iyon.
" nothing special " because Xian is just like a brother to her.
Maliban nalang sa ginagawa nito this past few days.
" Nothing special? Ikaw ang kayakap nya gabi gabi nothing special "
Napailing nalang siya at napatayo sa kinauupuan niya.
" Anong next subject mo?" Tanong niya rito.
" Math, kay Mr. Catacutan "
" We have the same class, lets go "
Kaagad naman nitong kinuha ang gamit nito at sumunod sa kanya.
Hanggang sa hallway ay ayaw siyang tigilan nito sa kakatanong.
Kinikilig daw ito sa kanilang dalawa ni Xian.
Natahimik lang ito ng mag-umpisa na ang klase at kaylangan na nilang makinig na dalawa.
Nahiya pa siya ng mapansin na iba ang treatment sa kanya ng professor nila dahil siguro alam din nito kung ano ang relasyon niya kay Xian.
Napabuntong hininga nalang siya at hinintay na matapos ang klase.
Akala niya ay magiging normal ang pagbabalik niya sa pag-aaral. Akala niya ay magagawa na niyang makipagkita sa mga kaybigan niya noon pero ngayon na bantay sarado pa rin pala siya ni Xian hanggang dito hindi na niya alam kung anong pagtakas pa ang gagawin niya.