Windang siya habang nakatingin sa malaking kama ng kwartong tutuluyan niya.
" Doon nalang ako sa kwarto nila Nita matutulog " kukunin na sana niya ang bag niya ng pigilan siya nito.
" This is a normal thing Agatha your my wife kaya siguradong sa iisang kwarto tayo matutulog "
Inis na binaba niya ang bag niya at umupo sa kama.
" Saan ka matutulog?" Nakataas ang kilay na tanong niya rito.
Napabuntong hininga nalang ito at tinuro ang sofa na naduon.
Napangiti siya ng maisip na tama ang iniisip niya. Kapatid talaga ang tingin sa kanya ni Xian kaya never itong tatabi sa kanya sa higaan.
" Ok"
Kinuha uli niya ang bag niya para ayusin ang mga damit niya sa cabinet.
Nagulat pa siya ng makita ang iba't ibang klase ng damit ni Xian. Napakamamahalin ng lahat ng damit na nasa cabinet. Maayos din ang pagkakatupi.
May napansin pa siyang nakaipit na papel sa cabinet kukunin na sana niya iyon ng agawin nito ang atensyon niya.
" Hinahanap ka na nila mama " simpleng sambit nito sa kanya.
Tumango naman siya at tinigil ang ginagawa niya. Binuksan nito ang pinto at hinayaan siyang unang lumabas.
Nasa ikalawang palapag ng mansyon ang kwarto ni Xian kaya kaylangan pa nilang bumaba sa hagdan ng mga ito. Napakaganda ng pagkakaayos ng mansyon halata ang karangyaang meron ang buong pamilya.
" Ija " hinalikan siya sa pisngi ng mama ni Xian ng makarating na sila sa dining area.
Nandoon na rin sila Nita at Elizabeth.
" Maligayang kaarawan Agatha " bati nito sa kanya. Kinuha pa nito ang kamay niya.
" Salamat po mama "
" Halika nagpahanda ako ng paborito mo " niyaya siya nitong lumapit sa lamesa na kaagad naman niyang pinaunlakan.
Umupo ito sa tabi niya at ito na ang nagsandok ng pagkain niya.
" Ang tagal mo ng hindi bumibisita dito Agatha alam mo namang gustong gusto kitang naririto " masayang sambit nito sa kanya.
Wala kasi itong anak na babae kaya simula ng magpakasal siya kay Xian ay gustong gusto na nitong mamalagi siya sa hacienda.
" Dadalasan ko po ang pagpasyal "
" Oo nga pala ija, this evening ang party mo at inimbitahan ko din ang ibang tao sa hacienda ayos lang ba sayo?"
" Oo naman po mama " nakangiting sangayon niya rito.
Napakabait ng mama ni Xian at ito na ang tumayong ina niya simula ng mamatay ang magulang niya.
" She needs to eat ma " sita ni Xian sa kanila dahilan para matawa naman ang sinyora.
Hinayaan na siya nitong kumain at sasabay sabay silang namasyal sa hardin pagkatapos.
Nanatili lang namang nakasunod sa kanila si Xian at hindi inaalis ang tingin sa kanya.
" Napakapossesive talaga ng bata na iyan " maya maya ay sita ng sinyora.
Kunot noong binalingan naman niya si Xian na nakamasid lang ng tingin sa kanya.
" Bata palang ang batang iyan sanay ng nakukuha ang gusto niya, you know our story Agatha Xian is not my biological son anak siya sa unang asawa ni Eduardo " maikling kwento ng sinyora.
Alam naman niya ang kwentong iyon at kitang kita naman sa itsura ni Xian malakas nga lang ang dugo ng sinyor.
" But she treat you as her mother "
" Dahil sa akin na siya lumaki, napakabuting bata niya, he accepted me like his own mother ni hindi siya nanumbat o ano pa man "
" He's a great man " maikling kumento niya.
" At pag-aari mo sya " maikling dugtong ng sinyora dahilan para tumahimik siya.
" Don't hurt him Agatha "
Hindi niya magawang sagutin ang gusto ng sinyora dahil alam niya sa isip at puso niya na masasaktan at masasaktan niya ang binata.
" Naiinip na po yata si Xian " pag-iiba niya sa usapan.
Napabaling naman ito kay Xian at nakitang nakakunot na ang nuo nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.
" Mukhang kanina nya pa kong gustong paalisin dahil hindi ka niya magawang masolo "
Nagtatakang napatingin nalang siya sa tuwang tuwang mukha ng sinyora, hindi rin kasi nila kasama ngayon si Nita at Elizabeth dahil mas pinili ng mga ito na tumulong sa pag-aayos ng venue sa birthday niya.
" Babalik na ko sa loob ija " pagkasabi nito niyon ay naglakad na nga ito pabalik sa loob ng mansyon.
Naiwan naman silang dalawa ni Xian.
" Your done " komento nito ng makalapit na sa kanya.
" Tired " seryosong tanong nya rito, hindi pa nga pala ito nakakapagpahinga simula nung dumating sila.
" No " kinuha nito ang kamay niya at may nilagay ito roon.
Napangiti siya ng buksan niya ang palad niya.
" Ginawa mo to kanina " hindi niya napansin na gumagawa pala ito ng koronang bulaklak, hindi nga lang ganong perpekto pero nakakatuwa lang.
Kinuha nito ang kuronang bulaklak at nilagay sa ulo niya.
" You like it?"
" Super " masayang sambit nya rito.
Kitang kita rin niya ang saya sa mukha ni Xian habang nakatingin sa kanya. Natigil lang ang katuwaan nilang dalawa ng may tumawag sa pangalan nito.
Sabay silang napatingin ni Xian sa bagong dating na dalaga.
Hindi na ito nakauniform ngayon. Nakabistida itong puti na napaparesan ng isang itim na sandals. Habang bagsak na bagsak ang itim na itim nitong buhok.
" She look like an angel " amuse na sambit niya habang nakatingin sa paparating na dalaga.
Nilingon niya si Xian para sabihin sana ang komento niya ng makita niyang nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Kitang kita niya ang amusement sa mga mata nito habang nakatitig sa mukha niya.
Pinaningkitan niya ito ng mata at sinimangutan. Natawa naman ito at inayos nalang ang mga takas na buhok na nasa mukha na niya.
" Lily what are you doing here?" Baling na nito sa bagong dating.
" Hinahanap kita kanina ang sabi ng sinyora nandito ka daw "
" Hindi rin ba niya sinabi sayo na kasama ko ang asawa ko " siryosong sambit nito dahilan para maumid ang dila ng kausap.
Siniko niya si Xian at nakangiting binalingan si Lily.
" Hello Lily " masayang bati nito sa kanya.
" Hello A.. sinyorita Agatha " magalang na bati rin nito sa kanya.
" you can call me Agatha "
" Nakakahiya.." dudugtungan pa sana nito ang sasabihin nito ng sumabat nanaman ang nakakainis na si Xian.
Kitang kita ang inis sa mga mata nito.
" Are you done? What do you need?" Seryosong tanong nanaman nito.
" Gusto ko lang sanang magpasalamat sayo dahil tinulungan mo kong makagraduate " masayang sambit nito.
May inabot pa ito kay Xian na isang paper bag.
Kinuha naman iyon ng binata.
" You may go " diretsong sambit nito na parang naguutos lang sa kasambahay nito.
" Xian " tawag niya sa pangalan nito.
" Yes wife " malambing na tanong nito sa kanya.
Kitang kita niya ang sakit na rumehistro sa mga mata ni Lily.
" Mauna na ko " paalam nito sa kanila.
Sinamaan nya ng tingin si Xian pagkaalis ng dalaga.
" Anong ginagawa mo?" Asar na tanong niya rito.
Kinuha nito ang kamay niya at pinaglaruan. Hindi niya alam kung bakit naguumpisa na itong magingclingy sa kanya.
" Let's go inside" yaya nito sa kanya.
Tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya.
" Alam ko namang ginagawa mo lang ito para makita ng sinyora na walang mali sa pagsasama natin pero Xian hindi tayo ganito " hindi na niya maiwasang reklamo rito.
Hindi ganito si Xian sa kanya. Simula ng makarating sila sa hacienda ay iba na ang pakikitungo nito sa kanya. Naging malambing ito at halos ayaw ng humiwalay sa kanya.