" mas bagay sayo to ma'am Agatha " napangiti naman siya kay Elizabeth ng may iabot itong isang clip sa kanyap.
" Thank you "
" Ma'am hinahanap na po kayo ni Sir. Xian " sambit naman ni Nita pagbukas niya ng pinto.
Birthday niya ngayon ay hindi nga nasunod ang plano niya dahil kaagad siyang sinabihan ni Xian na bibisita daw sila sa magulang nito ngayong araw. Naghanda daw ang sinyor at sinyora sa kanyang kaarawan.
Pero may nasunod naman kahit papano sa gusto niya dahil napakiusapan niya si Elizabeth na sumama sa kanila.
Tatlong araw na si Elizabeth sa bahay nila at madalas ito ang hinaharap niya kay Xian. Pansin din niya na natutuwa ito kay Elizabeth at inalok pa ang dalaga kung gustong mag-aral.
" Ma'am Agatha tapos na po " sambit nito ng matapos ng ayusan ang buhok niya.
Tuwang tuwa naman siya at tinignan ang sarili sa salamin. Nakapusod ang buhok niya at dahil doon ay kitang kita ang ibinigay sa kanya ni Xian na kwintas.
" Let's go "
Tumayo siya at inaya na ang dalawa. Pinilit kasi niya si Xian na kaylangan ay kasama niya ang dalawa sa pagpunta niya roon.
Pagbaba niya ay nag-aabang na sa kanya si Xian.
Inalok pa nito ang kamay nito para alalayan siya pero mabilis lang siyang tumanggi.
Naglakad siyang tuloy tuloy papunta sa labas ng bahay.
Nakasunod lang naman ang dalawa sa kanya at si Xian.
Pagdating niya sa sasakyan ay kaagad siyang pumasok at pumwesto sa likod ng sasakyan. Komportable siyang umupo kasama si Nita sa likod ng sasakyan.
Kinuha pa niya ang earphone niya para makinig sa paborito niyang kanta ng bumukas ang pinto sa tabi niya.
" Ma'am Agatha " tawag ni Elizabeth sa pangalan niya.
" Why ?" Maang maangan na tanong niya rito.
" Pinapasabi po ni Sir. Xian na sa tabi nya kayo uupo " tinuro pa nito ang passenger sit.
" Ikaw nalang don Eliza magugulo ang buhok ko " pagdadahilan naman niya.
Sukong suko na sinara naman ni Eliza ang pinto.
Nakangiting naghanap na uli siya ng patutugtugin sa play list niya ng bumukas nanama ang pinto. Magrereklamo na sana siya ng sumalubong sa kanya ang inis na mukha ni Xian.
" You want them to come with us then obey me " simpleng sambit nito pero ramdam niya ang authority nito nanunuot sa laman niya hanggang buto.
Napatango nalang siya at lumabas ng sasakyan.
Binuksan pa nito ang pinto sa passenger sit at inalalayan pa siya papasok sa loob.
Kinabit pa nito ang seatbelt niya habang siya ay naiwang walang kaimik-imik. Alam niyang galit si Xian.
" Sorry " simpleng sambit niya ng makaupo na ito sa driver's sit.
" I know what your doing Agatha and I will tell you, you will never succeed" seryosong sambit nito. Pagkatapos ay pinaandar na nito ang sasakyan.
Tahimik lang sila sa buong byahe habang siya ay nakatanaw sa labas ng bintana.
" You don't like me Xian bakit kaylangan mo pang manatili sa tabi ko?" Tanong niya habang nakamasid sa mga punong nadaraanan nila.
Kilala sa lugar na ito ang Hacienda Del Rio.
" Don't ask me Agatha "
" Curious lang ako, parehong ayaw natin ang kasal na to, I'm on my legal age at alam nating dalawa na tapos na ang stage na kaylangan ko ng guardian "
" Your just growing old on age Agatha for me your still the eighteen year's old woman that I meet"
Sinimangutan niya ito at sinamaan ng tingin.
" Bata talaga ang tingin mo sa akin " asar na sambit nito.
" You don't know what's on my mind Agatha, you don't know " pasaring pa nito sa kanya.
Maya maya lang ay pumasok na sila sa malaking gate ng Hacienda.
Napangiti pa siya sa mangilan ngilan na bumabati sa kanila. Kapag nadadaanan sila ng sasakyan.
Binaba niya ang bintana at masayang bumati sa mga ito.
" Sinyorito Xian " tawag ng isang dalaga nakasuot ito ng pang teacher na uniform.
" Xian tawag ka " baling niya sa binata.
Tinigil naman nito ang sasakyan at tinignan ang tumawag rito.
" Lily " simpleng sambit nito sa pangalan ng dalaga pero dahil matagal na niyang kasama si Xian sa iisang bubong alam niya kung kaylan ito seryoso at kaylan ito nagiging masaya at isa lang ang masasabi niya masaya si Xian na makita ang babaeng ito.
" Kamusta sinyorito?" Masayang sambit pa nito. Kitang kita niya sa mga mata nito ang pagkakagusto nito kay Xian.
Morena ang balat nito at maganda ang hugis ng mukha, gustong gusto rin niya ang mga mata nitong nangungusap kung lalake lang siya siguradong magkakagusto siya sa babaeng ito.
" I'm fine by the way this is my wife Agatha " nasira ang pantasya niya ng ipakilala siya ni Xian bilang asawa nito.
" Hello " masayang bati niya rito.
Nakita niya ang pagbabago ng emosyon sa mata ng dalaga.
" Akala ko sabi sabi lang na kinasal ka na "
" Nope, I'm already married Lily "
" Alright I understand mauna na ko may klase pa ko " paalam na nito sa kanila.
Pagkaalis nito ay pinaandar na uli ni Xian ang sasakyan.
" She's sad " maikling kumento niya sa binata.
" I know " maikling sagot nito sa kanya.
" Alam mong may gusto siya sayo?" Gulat na tanong niya rito.
" She confess to me after graduation " maikling sambit naman nito.
" Masyado kang pafall Xian kung alam mong may gusto sayo ang tao dapat dumidistasya ka na, ang ganda pa naman niya, hindi ka ba nagkagusto sa kanya?" Habol na tanong niya rito.
Pinarak nito ang sasakyan sa harap ng masyon, hindi na nya hinintay na pagbuksan siya nito. Siya na ang nagbukas ng pinto at hinintay itong lumabas. Habang sila Nita naman ay kinukuha ang gamit nila sa sasakyan.
" Never " maikling sagot nito ng mapansing hinihintay niya ang sagot nito.
" Bakit? Ngayon lang ako nakakita ng ganong kagandang babae Xian, she's gorgeous Xian "
" You don't have a mirror in your house Agatha?" Tanong nito sa kanya.
Kunot noong tinitigan naman niya ito. Anong konek ng salamin sa sinasabi niya.
" Meron " maikling sagot naman niya rito.
" Then this is not the first time "
Narinig pa niya ang mumunting paghagigik nila Nita sa likuran nila.
Ano daw? Parang ang layo naman ng salamin sa usapan nilang dalawa.