CHAPTER 11 Khiki’s POV Gustong-gusto ko talagang inisin si Lucas. Ewan ko ba, pero ang reaksyon niya sa mga ginagawa ko ay sobrang nakakatawa para sa akin. Para siyang bata na madaling mapikon, lalo na kapag tungkol sa mga pusa ko. Kaya habang naglalakad siya sa hardin, hawak-hawak ko si p***y at may masama na naman akong balak. “p***y,” bulong ko sa pusa ko, habang hawak-hawak siya sa ilalim ng braso. “Ready ka na ba? Showtime na tayo.” Hindi ko alam kung naiintindihan ba ako ng alaga ko, pero tahimik lang siya habang iniikot ang mga mata. Siguro pati siya ay sawa na rin sa kalokohan ko. Pero sorry, p***y, kailangan ko ng partner ngayon! Nakita kong papalapit na si Lucas, mukhang kakatapos lang makipag-usap sa Mommy niya. Kita mo sa mukha niya na bad trip na naman siya. Perfect timin

