THIRD PERSON P O V " Kung ipukpok ko kaya sa'yo itong basong hawak ko at baka sakaling bumalik na ang memorya mo!? " pagalit pa ring saad bi Aling Loida sa anak na binata Naluluha pa rin kasi s'ya sa kawalan ng malasakit ng anak sa nobya. " Ako na lamang po ang tatawag kay Mang Julio! " prisinta naman ni Cynthia tsaka kinuha ang cellphone sa sling bag na naka lapag sa center table ng sala na yari pa rin sa kawayan. Ang tinutukoy nito ay pinaka- leader ng mga tauhan nila, ito ang kinakausp ng Daddy niya kapag may ipapagawa sa Hacienda. " Hello po, Mang Julio, baka ho may makita kayong naglalakad diyan na babae, dalaga, pakisabi ho sa akin. " huminto s'ya sa pag sasalita nang tumugon ang kausap, " Dito ho siya galing kila Kuya. . . . " Oho! Paki pigilan na lang po kung sakali at susu

