THIRD PERSON P O V Nagising si Glorya ng madilim na sa labas, tumitig lamang s'ya sa kisame na tila makikita roon ang kasagutan sa pagiging broken hearted niya. Kahit na kadiliman lang naman ang kanyang natatanaw. Tanging sinag ng ilaw sa poste sa labas ang tanglaw niya sa kanyang silid. Tila kasi ganoon din ang nakikita niya sa kanyang buhay ngayon, madilim, hindi alam kung saan sisilong o tutungo. Mugtong- mugto na rin ang kanyang mga mata. Hindi nga niya alam kung paano babangon at mag- uumpisa ulit sa buhay. Pag gising pa lang n'ya kasi sa umaga ay si Adonis na ang katulong n'ya sa pagbubukas pa lamang ng tindahan. Katuwang sa pamimili ng mga paninda. Kasabay sa pag higop ng kape na may kasamang mainit na pandesal. Kung minsan naman ay kasabay rin nilang mag- ina na kumain ng hapun

