ADONIS' P O V " Good! Madali ka naman palang kausap e! Gusto mo pang tinatakot ka! " malaki ang ngising saad ko kay Ivy nang pirmahan niya ang aming annulment papers. Pinirmahan ko na rin ang dapat tsaka ang mga magulang namin habang nakaharap kami sa Judge na nagkasal sa amin at sa kinuha kong Abogado. Kung hindi nga lamang kailangan ang pirma ng aking Ama ay hindi ko talaga s'ya papupuntahin sa Law Office nang kinausap kong Abogado. Masama pa rin kasi ang loob ko sa kanya. Inirapan n'ya lamang ako, pabagsak pang ibinaba ang ballpen ng ginamit sa office table ng Abogado sabay talikod sa amin palabas ng opisina. Mahina lamang akong natawa. Tahimik na ring sumunod sa kanya ang kanyang mga magulang kaya kami nila Daddy, Nanay, Jeff tsaka itong Abogado nga at Secretary niya ang naiwanan

