ADONIS' P O V " Need ko na ulit nang sign! " bulong ko sa sarili ko habang palakad- lakad sa loob ng aking silid. Napag- isip- isip ko kasi ang mga sinambit ni Jeff kanina sa Rancho. Ngunit, mayroon pa rin agam- agam kaya nalilito ako. Naisip ko pang nasasabi lamang niya kasi iyon dahil hindi s'ya ang nasaktan, ang gumuho ang mga pangarap. " Lord! Pasensya na kung nakalimot ako sa inyo! Alam N'yo naman po ang nangyari aa akin kaya nawala sa loob kong sumamba sa inyo! " bulong ko pa sa hangin habang baka tingala at naka pikit. Tila nga yata nakukulangan na ako sa Panalangin? Samantalang noong nasa San Manuel ako ay linggo- linggo kaming umaattend ng Sunday Mass ni Glorya. Tapos ngayong kailangan ko ng gabay Niya para hindi magkamali sa magiging desisyon sa amin ni Glory ay tsaka ko

