ADONIS' P O V Kahit alanganing oras ay idinaan ko muna sa kaibigan kong may alam sa CCTV ang CPU at nag bilin akong i- copy ang footages noong araw na nadulas daw ako ayon nga kay Ivy. " Pasensya na, Bro! Kailangang- kailangan lang! " hinging paumanhin ko pa dahil sa pam bubulahaw ko sa kanya ng dis oras nga ng gabi. " Tsk! Wala iyon, Bro! Sa rami ba naman nang naitulong mo sa pamilya ko!? Maliit na bagay lang ito, Bro, kung tutuusin! " wika naman ng kaibigan ko " Sige, Bro! May pupuntahan pa kasi ako! " paalam ko naman sa kanya pagkaraan ng ilang minutong pag- uusap namin " Sige! Ingat, Bro! " tugon naman nito at kumaway lamang nang papasakay na ako sa kotseng dala ko, tinanguan ko lamang siya. Ilang sandali nga ay bumibyahe na ulit ako, medyo malayo ang aking lalakbayin pero wal

