THIRD PERSON P O V " Ano ba ang nangyari sa inyo ng amo mo, Jeff? Aba e! Umalis lang kayo kahapon na pupunta sa munisipyo tapos halos magka sabay lamang lamang kayong dumating ngayon! Saan kayo nagpunta na magdamag?! " usisa ni Aling Loida sa Nurse ng anak Nadala na nila sa kwarto si Adonis at naihiga sa kama na wala pa ring malay tao. Sakto nga kasing nabuwal si Adonis ay biglang pasok ni Jeff sa bahay kaya magka tuwang na nilang binuhat ang anak para nga dalhin sa silid nito. Kakakamot- kamot sa ulong nag kwento naman ang pobreng Nurse habang humihihop ng mainit na kape. Tila kasi lutang pa rin ang binata sa kaganapan kaya walang ganang kumain kahit tanghali na. Nandito na sila sa kusina, na check up na rin niya ang Amo. Normal naman daw ang mga vital sign nito. " E, bakit s'ya nag

