LOIDA'S P O V " Maraming salamat po, Doc! " saad ni Adonis sa Manggagamot na kumuha ng urine at blood sample nila ni Jeff, nakipag kamay pa silang dalawa sa Doctor bago ito sumakay ng kotse nito. Nang mahimas masan kasi ang anak ko pagka gising ay napag kasunduan nila ni Jeff na magpa- lab test nga dahil sa naramdaman nila sa kanilang mga katawan. Kaya naman tumawag agad ang Nurse ng Manggagamot na kukuha ng kanilang mga sample test. " Ano ang gusto mong kainin anak? " masuyong tanong ko ng hindi na namin makita ang sasakyan ng Doctor. " Gusto ko ho Nay iyong may sabaw, para pa rin po kasi akong ganang kumain. " tugon naman nito na hinihimas pa ang tiyan, " Ikaw, Jeff, ganoon ka rin ba? " baling pa nito sa Nurse " Oho, Sir! Simula ho kanina puro kape at tubig pa lamang ang laman an

