ADONIS' P O V Tila naman ayoko nang mabuhay sa nasaksihan ko, kung gaano kasaya si Glorya sa dati niyang kasintahan. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin ng Nanay ko. Mabuti at nasa matino pa akong pag- iisip no'ng magising at maalala ko ang nangyari sa amin ni Jeff sa townhouse ni Ivy. Pareho pala kami nang nararamdaman kaya napag desisyunan naming tumawag ng Doctor para makapag laboratory test kami. Iba nga rin kasi ang pakiramdam ko. Naikukuyom ko na lamang ang aking kamao dahil sa galit kay Ivy. Ngunit may part din doon ang inis sa rati kong kasintahan. Na nakakuha kaagad ng kapalit ko sa ilang buwan na wala akong maalala. Kung hindi nga lamang dahil sa aking Ina na malaki ang naging sakripisyo mabuhay lamang kaming dalawa at mapag tapos ako sa aking pag- a

