THIRD PERSON P O V
Pawisan ang mga h*bad na katawan ng dalawang nilalang sa madilim na silid at tila walang pakialam sa paligid na patuloy sa pag- inday0g ang mga katawan nila sa saliw ng musika na sila lamang ang nakakaalam. Pati ang kanilang mga ung*l at hal*ngl*ng ay tila sinasabing sarap na sarap sila sa kanilang mga ginagawa at tila anumang sandali ay mararating na nila ang s*kdulan. Na tila walang pwedeng pumigil sa pinag sasaluhan nila ng mga oras na iyon kahit isang malaking pagkakamali ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Subalit, hindi nila alam na may isang pares ng mga mata ang naka saksi ng maka mundo nilang ginagawa. Kaya hindi nito malaman kung saan sisilong, nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa hilam ng luha sa kanyang malamlam na mga mata. Tila naman s'ya pinag sakluban ng langit at lupa dahil sa nasaksikhan. Masikip na rin ang kanyang dibdib na tila sasab0g anumang oras. Pati ang kanyang paghinga ay nahirapan din sa pagdaloy, hawak na n'ya iyon ngayon dahil sa pananakit.
Nasaksihan lamang kasi ng dalawang mga mata n'ya ang kasintahan at kaibigan na nasa mainit na tagpo at tila darang na darang sa kanilang mga ginagawa. Kaya naman hindi n'ya malaman kung saan tatakbo para makalayo sa mga ito maski wala namang s'yang ginagawang masama ay tila s'ya pa ang nahiya sa kataksilan sa kanya ng mga ito.
Hindi n'ya kasi suka't akalain ang mga taong pinag kakatiwalaan pa n'ya ang magtataksil sa kanya. Kaya naman nanlulumong napa salampak na lamang s'ya sa gilid ng kalsada sa kawalan ng masisilungan. Idagdag pa ang biglang pagbuhos ng ulan na tila nakiki simpatya sa pighating kanyang nararamdaman.
" Mga hay*p! Mga bab*y kayo! Bakit n'yo nagawa sa akin ito!? " sigaw n'ya kasabay ng malakas ng pagbuhos ng ulan at pagdaloy ng mapait na likido sa kanyang makinis na magkabilang pisngi.
Tumingala pa s'ya sa langit at sinaluboang pagpatak ng ulan sa kanyang mukha. Hanggang sa mapa hagulgol s'ya dahil sa hindi maipaliwanag na sakit ng kataksilan ng mga taong minahal n'ya at labis na pinag katiwalaan.
Dahil sa labis na pagda dalamhati ay hindi na n'ya namalayan na nawalan pala s'ya ng malay tao. Idagdag pa ang lamig ng ulan na bumalot sa kanyang manipis na katawan.
" Hhmmm! " ung*l n'ya sabay mulat ng mga mata, nakiramdam muna s'ya sa paligid tsaka naipag titigan sa kisame. Na tila inaalala kung nasaan s'ya ng mga oras na iyon.
" Oh! Mabuti at gising ka na! " tinig ng isang Ginang na kakapasok lamang sa kanyang silid ang nagpa baling sa kanya sa gawing pinto. " Ano ka ba namang bata ka ang nangyari sa'yo kagabi at nagpaulan ka!? Mabuti na lamang at nakita ka ng iyong pinsan na si Mabel at dinala ka rito kagabi. " dugtong pang saad ng kanyang Ina.
Sa alaalang iyon ay bigla tuloy nangilid ang kanyang mga luha. Sumagi na kasi sa isipan n'ya ang nangyari ng nagdaang araw.
" Ikukuha kita ng lugaw para mainitan iyang sikmura mo at para makinom ka na rin ng gamot. " saad pa ng kanyang Mama sabay labas ulit nito kahit hindi pa s'ya sumasagot.
Kinurap- kurap na lamang n'ya ang kanyang mga mata para hindi magtuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Pinangako na kasi n'ya sa sarili kagabi bago tuluyan s'yang ma blangko na hinding- hindi na s'ya iiyak ng dahil sa lalake. Laking pasasalamat din n'ya at pinsan pala n'ya ang nakakita sa kanya.
Subalit, kailangan naman n'yang ihanda ang sarili sa pagpa paliwanag n'ya sa pinsan n'yang iyon. Alam n'ya kasing hindi ito mag lulubay hanggang walang nakukuhang kasagutan sa gumugulo sa isipan nito. Gayunpaman ay trustworthy naman ito at alam kung ano ang tama at mali.
Lihim na lamang tuloy s'yang napabuga ng hangin nang bumalik ang kanyang ina sa silid n'ya na may bitbit na tray na may nakapatong na isang bowl na lugaw na may nilagang itlog sa ibabaw, isang basong tubig, isang platitong sliced fruits at isang pirasong paracetamol.
" S- Salamat po. " kiming saad n'ya at unti- unti s'yang umupo, ipinatong n'ya sa kandungan ang tray at nag- umpisang sumubo.
Nakahinga naman ng maluwag si Glorya ng hindi na nag- usisa pa ang kanyang Ina hanggang sa s'ya ay gumaling. Ngunit sa pinsan nga n'ya ay kinailangan n'yang magpaliwanag.
Hindi naman n'ya tinanggap ang kahit anong paliwanag ni Brent na kanya ngang kasintahan at kaibigan na si Lorna. Na kesyo natukso lamang daw silang dalawa.
Mula nga noon ay tila naging mailap na si Glorya sa mga lalake, kapag alam n'yang nagbibigay na ng motibo ang mga ito ay nilalayuan na n'ya. Hanggang sa umabot s'ya sa edad na Trenta'y singko ay hindi na ulit s'ya umibig muli o nag tangkang pasukin ang pakikipag relasyon.
Hanggang sa maging Ninang na s'yang lahat ng mga pamangkin, anak ng kaibigan at kaklase pati na ang mga anak ng kapitbahay. Kaya s'ya nakilala sa tawag na Ninang Glorya.