THIRD PERSON P O V
" Ninang Glorya! Yoohoo! Ninang Glorya! " masayang tawag sa kanya ng isang bata na lumapit sa munti n'yang tindahan.
" Ako 'yon, Buboy? " magiliw naman n'yang tanong dito habang naka ngiti
" Pabili raw po monay si Mama, Ninang. " magalang naman nitong saad
" Okay! Eto o, wala na ba? " malambing pa n'yang tanong nang ma- i- plastic n'ya ang binibili nitong tinapay
" Wala na po, Ninang, salamat! " magalang namang tugon ng bata
" Okay! Salamat din! " tugon naman n'ya pagkakuha rito ng perang ibinayad.
" Ninong Glorya, isa nga pong softdrinks, paki salin na lang po sa plastic. " bili naman ng isang dalagitang bagong dating
" Wait lang, " tugon naman n'ya at kumuha ng isang boteng maliit sa loob ng ref, binuksan tsaka isinalin sa plastic na pang yelo tsaka nilagyan ng straw. " Oh! Naku! Ikaw na bata ka bakit ganyan nag suot mo? Baka mabastos ka riyan ng tambay, sige ka! " inabot n'ya ang plastic sabay sermon na rin dahil maigsing short ang suot nito tsaka spaghetti strap ang pang- itaas. Tila nga naman kasi kaunti lamang ang natatakpan sa katawan ng dalagita.
" Mainit po kasi, Ninang e! " katwiran pa nito, " Tsaka, wala naman pong tambay, tatakbo na lang po ako pabalik. " bungisngis pa nitong wika kaya naman napailing na lamang si Glorya nang magtatakbo nga pabalik ng kanilang bahay ang dalagita.
" Glorya!? " tawag naman sa kanya ng taong nasa pintuan sa gilid ng kanyang sari- ari store.
" Po!? " magalang naman n'yang tugon sabay lingon dito
" Ako na muna riyan ang tatao, pakilinis mo ang isang unit dahil may uupa roon bukas. " malumanay na utos naman ng kaniyang Ina.
" Talaga po, Mama!? " tila excited namang usisa n'ya sa Ina
" Oo! S'ya! Ako na riyan. " tugon naman nito sabay pagtataboy sa kanyang lumabas na ng tindahan
" Sige po! " magalang naman niyang tugon sabay tayo sa kaniyang inu upuan para pumalit ang Ina.
Tuluyan na nga s'yang lumabas at tinungo ang bahay nila sa likod ng maliit na tindahan para kumuha ng panlinis.
Natutuwa s'ya dahil madadagdagan na naman ang kanilang ipon na mag- ina. Mula kasi ng namayapa ang kanilang padre de pamilya ay napilitan na ring huminto sa pagta- trabaho si Glorya aa kanilang Munisipyo. Dahil sakitin ang ina at walang ibang mag- aalaga rito dahil ang tatlo n'yang nakaka tandang kapatid ay pawang may mga sariling pamilya na. At may kanya- kanya na silang mga bahay.
Bilang bunso at wala pang asawa ay s'ya na ang nag- obligang alagaan nga ang ina. Kaya naman napag desisyunan na lamamg nilang ang perang nakuha sa pension ng Ama ay ipang pagawa ng apat na pinto ng apartment dito sa gilid ng kanilang bahay. Mayroon namang privacy ang bawat isang unit dahil may maliit na gate at bakod ang bawat isa.
Iyong nakuha naman n'ya sa trabaho as separation pay ang pinang- umpisa n'ya ng maliit na sari- sari store. May perang pumapasok nga naman sa kanila magkasama pa silang mag- ina palagi at hindi s'ya mangangamba para sa kaligtasan nito.
Kumuha nga s'ya ng timba, tabo, walis tingting at tambo, basahan, sabon at water hose. Mayroon naman doong gripo kaya madali na sa tubig. Nang matiyak n'yang kumpleto na ang ang gamit sa paglilinis ma bitbit n'ya ay lumabas na s'ya ng kanilang bakuran para lumipat naman sa kabila. Ito na lamang ang bakanteng unit sa kanilang apat na apartment.
" Sana mabait din ang maging tenant namin dito kagaya no'ng tatlong nauna. " bulong pa n'ya sa sarili habang abala pa sa paglilinis.
Pawang mga pamilyado ang tenant nila na tatlo, hindi naman n'ya naitanong sa Ina kung sino o ilang ang uupa rito basta sumunod na lamang s'ya sa utos nito. Magagaan na lamang kasi na trabaho ang kaya nitong gawin kaya s'ya ang gumagawa ng mabibigat.
Malapit ng dumilin sa paligid nang matapos s'yang maglinis kaya diretso na s'ya sa banyo ng kanyang kwarto para maligo. Feeling n'ya kasi ay kumapit sa buong katawa n'ya ang alikabok at dumi ng apartment na kanyang nilisan.
Pagka bihis naman n'ya ay bumaba na s'ya sa kanilang ground floor para tingnan sa kusina kung mayroon na ba silang kakainin para sa hapunan. May natira pang ulam nila kaninang tanghalian kaya ininit n'ya iyon tsaka nagsaing.
Nang maluto ay inilagay n'ya sa tray para dalhin sa tindahan, madalas kasi ay roon na sila kumakain ng hapunan dahil mabili sa hapon. Sa tanghali naman ay sinasarado muna n'ya para maka- idlip s'ya sandali. Tsaka kakaunti lamang ang bumibili ng ganoong oras kaya sinasamantala naman n'ya ang pahinga.
" Kain muna po tayo, Mama. " aya n'ya sa Ina habang wala pang bumibili, inilapag din n'ya ang bitbit na tray sa lamesang nanduroon.
" Mabuti pa nga, gutom na nga ako, hindi ko nakuhang mag merienda dahil sa rami nang bumibili. May inuman kasi riyan sa kabilang eskinita. " mahabang paliwanag naman ng kaniyang Ina.
" Kilala n'yo po ba ang magiging bagong tenant natin? " usisa naman ni Glorya habang kumakain na silang mag- ina
" Hindi, si Mareng Norma lamang ang nakaka kilala, s'ya kasi ang tumawag sa akin kanina sa cellphone. Nagpapahanap daw ng uupahan nga raw ang pamangkin ng kanyang Mister. " tugon naman ni Aling Glenda
" E, paano po kung prank lang pala at hindi totoo na uupa sila rito? "
" Hindi naman siguro, kilala ko naman si Mareng Norma, 'de mabuti na rin kung scam lang pala, at least, nalinis mo iyong unit. " tugon pa ng kaniyang Ina na may halong biro pa
" Hala! Ang hirap po kayang maglinis! " nagkakanda haba ang ngusong reklamo pa n'ya kaya naman natawa na lamang ang kanyang Mama.
Pinag patuloy na lamang nila ang pagkain hanggang sa maubos nila ang pagkain na dinala n'ya.
" Ako na ang maghuhugas nito. " prisinta naman ni Aling Glenda, tumango lamang si Glorya dahil may bumili na at iyon ang kaniyang inasikaso.
Sunod- sunod na ang mga bumili hanggang sa dumating ang oras ng kanyang pagsasarado. Kaya naman pagod ang katawan na humiga na s'ya sa kanyang malambot na kama. Hirap man sa maghapong magbabantay sa tindahan ay masaya naman s'ya dahil sa laki ng kanyang benta.
Itinabi na muna n'ya iyon tsaka natulog, dahil maaga ulit s'yang gigising kinabukasan para mamili ng mga kulang na paninda. Ganoon lamang ang kanyang routine dahil wala naman s'yang sariling pamilya pa at nobyo man lang na pwede n'yang maka- date.
Madilim- dilim pa nga ay bumangon na s'ya, humigop ng mainit na kape tsaka lumabas na para nga pumunta sa palengke. Tulog pa ang kaniyang Ina kaya hindi na nita ito ginising.
Walang ingay s'yang lumabas ng bahay at binuksan ang kanilang bakal na gate para hindi maistorbo ang Inang natutulog pa.
" Ay! Santisima Trinidad! " bulalas n'yang wika ng muntik na s'yang may mabunggo na tila pader sa tigas paglabas nga ng gate, tumama kasi ng bahagya ang ulo n'ya roon. " Oh! Pandesal! Sayang hindi ko pa naisawsaw sa kapeng mainit kanina na hinihigop ko! " dugtong pa n'yang saad
" What!? Anong pandesal!? " takang tanong naman ng muntik na n'yang makabangga nga na tila pader.
" Ay! Bakit nagsasalita ang pandesal na ito !? " ulit n'yang bigkas at akmang hahawakan ang pandesal na tinutukoy nang mag salita ulit ito.
" Subukan mong hawakan iyang abs ko at hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari. " pagbabanta pa nito
" Huh!? S- Sino ka!? " nagtaas na s'ya ng ulo kaya bumungad na sa kanya ang pangahang mukha ng lalake, matangos na ilong, maninipis na mga labi, mahahabang pilikmata at bahagyang makapal na kilay.
" Enjoying the view? " malaki naman ang ngising wika ng lalake sa kanya
" Anong enjoying the view ka d'yan! Puro pandesal este bako- bako naman iyang tiyan mo at mukha, ano magiging view riyan!? " asik naman n'ya sa binata, bahagya naman itong natawa na tila hindi naniniwala.
" Bako- bako pala e bakit hahawakan mo kanina!? " turan naman ng binata
" Wala! Titingnan ko lang kung totoo bang bato iyan este bako! " Inis pa n'yang turan, " Manong bayan! " sigaw n'ya sa Tricycle Driver na dumaan, huminto naman ito tsaka lumiko. " Hmmp! D'yan ka na nga! Ke aga- aga kasi naghuhubad ka at hahara- hara ka riyan sa dadaanan ko! " pa- angil pa n'yang sambit, kaya naman naiwan na sa ere ang iba pa sanang sasabihin ng binata.
Sumakay na nga s'ya sa tricycle at hindi man lang n'ya pinagka- abalahang silipin kung saan papatungo ang binatang may ari ng pandesala este ang naka bunggo n'ya.