GLORYA'S P O V " M- Mahirap naman po ang inyong nais, N- Nanay Loida. " magalang na tanggi ko sa Ina ng aking kasintahan. Nag- uusap na kami sa kanilang living area ng aming bahay. Ito kasi ang nabungaran kong dumating ng walang pasabi nang buksan ko ang gate namin nang may mag- doorbell. Nag- iisa nga lamang ito nang dumating. " E, sino ang gusto mong mag- alaga sa anak ko, iyong mukhang espasol ang mukha!? " wika pa ni Nanay Loida na patanong naman kaya hindi ko maiwasan na matawa. Ang sadya n'ya raw kasi kaya s'ya naparito sa San Manuel ay para nga sunduin daw ako. At alagaan ang anak na comatose sa ospital, samantalang nandoon naman ang asawang si Ivy. Nakaka tawa nga, hindi man lang nag preno kahit sandali nang i- kwento nito ang nangyaring pagpapa kasal umano ni Adonis sa an

