GLORYA'S P O V " Sigurado ka naman ba sa desisyon mo na 'yan? Ikaw naman ang masusunod, baka mapabayaan mo 'yang sarili mo at magiging baby mo? Alalahanin mong nasa risk pregnancy ka. " nag- aalalang sambit ni Mama nang magpa- alam akong bubuksan ko ulit ang aking tindahan na ilang linggo ring naka sarado. " Oho! Nagka- usap na ho kami ni Mabel kagabi, s'ya ho ang bahala sa pamimili sa palengke, payag naman po s'ya na uupahan ko na lamang ng maliit na halaga. " malumanay ko namanh tugon Nandito kasi kami sa kusina habang abala sa pagluluto ng almusal si Mama at ako naman ay naka upo sa silya sa hapag kainan. Mula kasi nang maglihi ako ay hindi na s'ya pumayag na hindi ako o kami kakain ng kanin sa almusal. Madalas kasi ay kape at pandesal ang laman ng aming tiyan. At dahil nahirapan

