Sunod-sunod na katok ang pumukaw sa atensyon ni Ayesha habang abala siya sa pagaayos ng mga biniling libro doon sa kaniyang silid. Linggo kasi ngayon at wala siyang pasok kaya naman may time siyang mag-ayos. "Pasok po," magalang na sambit niya at saka tumayo para salubungin ang kung sino mang bisita sa umagang iyon. "Good morning po," agad na bati niya rin ng pumasok si Margaret. "Good morning, Anak. Busy ka ba?" anito sa seryosong tinig. Bigla tuloy siyang kinabahan. Mukhang seryoso kasi ang sadya nito. "Hindi naman po. Nag-aayos lang po ako ng mga gamit." "Can we talk for a while?" "Sure po, no problem," aniya naman at saka iginiya ito paupo sa sofa na naroon sa kaniyang silid. "Anyway, kamusta naman ang pagre-review niyo? Malapit na ang exam." "Okay naman po, Tita. I think ready

