Maagang pinatawag si Sky nang ama na si Benedict sa opisina. Ito ang kasalukuyang tumatayo bilang Chief Executive Officer ng kompanya. Hindi pa man nga umiinit ang upuan niya sa sariling opisina ay tumawag na ang sekretarya nito. Hindi rin kasi sila nagpangabot sa bahay dahil kagagaling ka lang nito sa isang business trip sa Cebu. "Good morning, Sir. How may I help you?" bati niya sa ama nang makapasok sa opisina nito. Hindi niya tinatawag na Daddy ito sa tuwing nasa trabaho sila dahil ayaw niyang isipin ng iba na mayroon siyang privilege roon. Ayaw niya ring isipin ng iba na kaya lang siya naroon ay dahil pag-aari nila iyon. Kilala ang kanilang kompanya bilang isa sa mga high standard company na mahirap mapasukan kaya gusto niyang makita rin ng ibang tao roon, lalo na syempre ng mga mem

