Habang hinihintay ni Ayesha sa labas ng review center si Zandra ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Cloud. Kaagad niya namang sinagot iyon. "Hello, good morning," bati niya rito. "Hi! Where are you?" "Dito sa tapat ng review center. Hinihintay ko si Zandra." "We're on our way. Actually malapit na." "We? Sinong kasama mo?" Napakunot-noo siya. Hindi niya kasi naintindihang mabuti ang ibig nitong sabihin. "Your friend. Something happened and nakita ko siya while buying you coffee kaya isinabay ko na." Bigla na namang nag-init ang magkabilang pisngi ni Ayesha sa hiya nang marinig nag tinuran ni Cloud."N-Nakakahiya naman. Parati mo na lang akong dinadalhan ng food." "Ayaw mo ba n'on? Meron kang gwapong delivery boy?" "Ewan ko sa'yo, Cloud. Lahat na lang kasi dinadaan sa biro. Nakakahi

