"So, how's your first day in college, anak?" nakangiting tanong ni Margaret. Kasalukuyan sila ngayong kumakain ng hapunan. Tama nga si Cloud, halos walang professors na dumating kanina sa klase nila. At kung meron man nga ay nagpakilala lang saglit pagkatapos ay umalis din kaagad kaya naman mas maaga kumpara sa dapat na uwi niya ay nasa mansion na kaagad siya ng mga go.
"Okay naman po, Tita," tipid na sagot niya naman habang ngumunguya ng pagkain.
"Mabuti naman kung ganoon. Kinabahan ako kanina dahil baka kako maging uncomfortable ka dahil nga you are in the same college with Sky. Pero naisip ko kasi na mas mabuti kung ganoon. Para kung sakali man na maka-encounter ka ng bully, pwede ka niyang ipagtanggol."
Siya nga itong bully, Tita. Sagot niya na lamang naman sa isipan.
"What am I? Her bodyguard? She's no longer a kid, Mom. Kayang-kaya na niyang ang sarili niya." Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang boses ni Sky. Tinapunan pa nga siya nito ng matalim na tingin bago umupo sa tabi niya.
"Fiance' ka niya. So, of course you have to protect her. At saka bago pa lang si Ayesha sa school niyo. Dapat nga ay samahan mo sya kapag may free time ka hanggang sa ma-familiarize siya roon," giit ni Margaret ngunit tila wala namang naririnig si Sky. Abala lang ito sa paglalagay ng kanin sa pinggan.
"Okay lang po, Tita. Mukhang harmless naman po ang lahat ng tao roon so I am safe. And---"
"And I think mas prefer niyang si Cloud ang maging buntot at bodyguard niya sa school. Tama naman siya, Mommy. She's safe and for sure ay sobrang saya rin niya ngayon because he's with her almost the whole day," anito at saka siya binalingan ng tingin. Makahulugan ang tingin nito kaya bigla siyang napalunok.
"Why do you sound so jealous?" malawak ang ngiting tudyo naman ni Margaret.
"Stop imagining things, Mom and just focus on your food."
"Hay nako, Sky. Tigil-tigilan mo nga ang pagsusungit mo riyan. Daig mo pa ako. Huwag mo ng inaaway itong si Ayesha. Dapat nga nagsisimula na kayong maging malapit sa isa't-isa because she will be your wife soon. Tumatakbo ang panahon, and palapit na ng palapit ang takdang oras para sa pag-iisang dibdib ninyong dalawa so---"
"Please, Mom. Let me finish my food. Nakakawalang gana kasi pakinggan niyang sinasabi mo."
"Sky, watch out your mouth. Why are you talking to your mom like that?" bigla ay singit ni Benedict sa ma-awtoridad na tinig. Napayuko na lang tuloy si Ayesha. Parati na lamang ganito ang nangyayari sa tuwing nagkaka sabay-sabay sila. Parati na lang may tensyon at parati na lang napapagalitan si Sky.
Isa marahil iyon sa dahilan kaya ayaw na ayaw nito sa kaniya. He's the only child at talagang nandito ang lahat ng atensyon bago pa man siya dumating. Pero magmula nang napasok siya sa buhay nito ay nagkaroon na itong ng kahati sa oras ng mga magulang. And worst ay nasisira pa parati ang araw nito dahil lang sa sampid na katulad niya.
"I'll just eat later," malamig na sambit ni Sky at saka tumayo, tinapunan pa nga siya nito ng masamang tingin bago tuluyang lumabas sa kusina.
"Sky, come back here and eat with us," tawag naman dito ng ginang.
"I already lost my appetite," sagot naman ni Sky nang hingi na lumilingon pa.
Napailing na lang tuloy si Margaret."Huwag mo na lang masyadong pansinin ang ganoong reaksyon ni Sky. Siguro ay pagod lang iyon at maraming iniisip. Alam mo naman, he's on his senior year now."
"Okay lang po, Tita. Naiintindihan ko naman po si Sky," sagot niya na lang at saka nginitian ang ginang. Ngumiti na lamang naman ito pabalik at hindi na nga muling umimik pa.
Lihim na napabuntong hininga na lamang tuloy si Ayesha. Dahil kung kailan nakaalis na si Sky ay tsaka naman nanahimik si Margaret. Minsan ay hindi niya na rin alam kung sinasadya lang ba talaga nitong asarin ang anak o talagang hindi lang dapat sila makita nitong magkasama dahil naalala nito ang kasal nila na siya naman ngang nakakapagpakulo sa dugo ng binata.
-----
Naghahanda na para sa pagtulog si Ayesha nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa kwarto niya. Napalingon siya sa orasan. Alas nuebe pa lamang ng gabi. Pero kadalasan kasi ay nasa kwarto na ang mag-asawa sa ganoon oras kaya imposibleng si Margaret iyon.
"Is it Sky?" Napabuntong hininga na lamang ang dalaga. "Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin? What did I do wrong again this time?" iiling-iling pang sambit niya at saka mabigat ang mga hakbang na tinungo ang pintuan para pagbuksan ito.
At hindi nga siya nagkamali. Outside her room is the fierce looking Sky. At pagbukas na pagbukas pa lamang niya ng pinto ay walang imik at tila haring pumasok ito ng dire-diretso sa kwarto niya at nilampasan niya.
Walang imik na sinundan niya na lamang naman ito. Umupo ang binata sa sofa na naroon sa kwarto niya. "Huwag kang tumayo lang diyan. Umupo ka," anito sa malamig na tinig kaya naman dumiretso na siya sa kama niya para doon umupo paharap dito. Wala siyang ideya kung anong sadya nito sa kaniya ngayon kaya naman kinakabahan siya. Or maybe hindi lang talaga siya komportableng kaharap ito kaya ganoon ang nararamdaman niya.
Samantala, napapangiwi na lang naman si Sky habang tinitignan ang kilos ni Ayesha. She looks so tense at isa talaga iyon sa pinaka ayaw niyang katangian nito. Aside sa hindi na nga ito marunong magdesisyon para sa sarili at wala ng ibang ginawa kung hindi maging robot na sunod-sunuran sa ina, ay parati pa itong tila takot sa lahat. She looks so weak, kabaliktaran sa katangian ng ideal girl niya. Yes, he wants a strong independent woman.
So it's really impossible for me to have a feelings to this loser. Aniya sa isipan.
"Alam ko na may gusto ka kay Cloud," panimula niya sa usapan. Kaagad namang nag-angat ng tingin ang dalaga sa narinig. "Hindi mo na kailangang subukan na itanggi dahil hindi ako tanga. You are already eighteen, nasa tamang edad ka na so, don't you think it's about time to decide for yourself?"
"W-What do you mean?"
"Just tell, Mom you like Cloud at itigil niya na ang pantasya niya na ikakasal tayong dalawa. Hindi ka pa ba nagsasawa sa naririnig mo sa kaniya?"
"I-I can't do that."
"But why?! You don't even like me!" he said frustratedly. "Look, my Mom won't listen to me kaya baka kapag ikaw ang nagsabi na ayaw mo dahil may gusto kang iba, baka pumayag na siya at matapos na ang kalokohang ito."
"How can I go against your mom? Malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya---"
"Shut up!" putol niya rito. Wala siyang balak pakinggan ang drama nito sa buhay. Inis na tumayo na lamang siya at tinalikuran ito. Sinasabi na nga ba niya at wala siyang mapapala sa dalaga. Bakit pa nga ba niya sinubukang kausapin ito. "But let me remind you, kahit kailan ay hinding-hindi kita magugustuhan. Kaya gagawa at gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal na iyon. I can't marry a girl like you," mariing sambit pa nga niya nang muli itong lingunin bago tuluyang lumabas at padabog na isara ang pinto.