Today is the weekend. Wala namang pasok ng saturday si Ayesha kaya naman alas diyes na siyang bumaba para magtungo sa kusina. "Good morning, po." bati niya sa mga kasambahay na nadatnan doon.
"Good morning, Ma'am," sabay-sabay na ganting bati naman ng mga ito.
Maya-maya ay lumapit sa kaniya ang mayordoma sa mansion na iyon. Si Manang Glenda. Ito rin ang nagsilbing tagapag-alaga nila ni Sky noong bata pa sila at kahit naman hanggang ngayon kaya naman malapit talaga ang loob niya rito. Although on hand din naman sa pag-aalaga sa kanila si Margaret ay katuwang pa rin nito si Manang Glenda. "Kakain ka na ba, Iha? Ipaghahanda na kita."
Mabilis namang umiling si Ayesha. "Hindi na po. I'll just have milk for breakfast na lang po. Hindi naman po ako nagugutom."
"Sige, ipagtitimpla na lang kita ng gatas."
"Salamat po," nakangiting turan niya sa ginang bago umupo sa may dining table."Nasaan po pala sina Tita Margaret? Nakapag-agahan na po ba sila?" tanong niya kapag kuwan.
"Oo, Iha, Pero maaga silang umalis ni Sir Benedict. Mukhang may date silang dalawa. Wala rin kasi silang naibilim kung saan sila pupunta kaya hindi ko rin alam," nakangiting sagot naman ni Manang Glenda ng ilapag ang baso na may lamang gatas sa harapan niya.
"Ganoon po ba? Eh, si Sky po? Nakalabas na po ba siya sa kwarto niya?" tanong niyang muli. Gusto niyang kausapin ulit ito dahil bigla niyang naisip na baka sabihin nito kay Margaret na may gusto siya kay Cloud. Natatakot siyang baka mapagalitan siya ng dahil doon.
"Naku, maaga ring umalis si Sky. May pasok yata ang batang iyon kahit sabado. Nagmamadali rin kanina nang bumaba, eh. Hindi na nga nakakain ng agahan." Hindi na lamang naman siya umimik.
Sana ay sapian ng anghel si Sky para naman hindi na niya maalalang banggitin kay Tita Margaret ang tungkol kay Cloud.
At dahil nga walang magawa si Ayesha ay naisipan niyang mag-bake na lamang ng cookies para magpalipas ng oras dahil iyon talaga ang libangan at hilig niya. Kaya nga siya binilhan ng oven at ng kung ano pang mga gamit sa paggawa ng cookies, cupcakes and cakes ng Tita Benedict niya. Ganoon siya ka spoiled sa mag-asawa kaya naman ayaw niyang makagawa ng bagay na ikakadismaya lang ng mga ito.
Eksakto namang natapos siya nang dumating si Sky kasama syempre ang mga kaibigan nito. Nasa may sala na siya dala ang tray na may lamang cookies para sana bigyan ang nga kasambahay sa mansion nang pumasok ang mga ito. Maliban kina Cloud, Storm at Thunder ay may akbay-akbay pang babae si Sky. Pero hindi ito ang babaeng kasama nito kahapon.
Didiretso na sana siya at magpapanggap na lamang na walang nakita bago pa siya paginitan na naman ni Sky kaya lang ay bigla naman siyang tinawag ng babaeng kasama nito. "Excuse me, pwede mo ba akong ikuha ng water?" maarteng turan ng dalaga.
Alanganing nilingon niya tuloy ito. She's wearing a Loose t-shirt and pajama kaya hindi niya maintindihan kung bakit mukhang pinagkamalan siyang kasambahay roon. Siguro ay dahil alam niyang nag-iisang anak lang si Sky? sagot naman ng kabilang bahagi ng utak sa kaniya.
"Are you deaf? Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? She said she wants water," mariing sambit ni Sky nang mapansing hindi siya kumilos.
"Sky---"
"S-Sorry. Kukuha na ako ng tubig," biglang sambit niya ng mapansin na tila sisitahin ni Cloud ang pinsan. Nginitian niya nga muna ito para ipaalam dito na okay lang sa kaniya bago siya bumalik sa kusina para ikuha ng tubig ang babaeng bisita ni Sky.
Samantala, napapa-iling na sinundan na lang naman ni Cloud si Ayesha. Kahit na kaibigan at pinsan niya si Sky ay hindi talaga siya natutuwa sa trato nito sa dalaga. Naiintindihan niya rin naman na kaya ganoon ito kay Ayesha ay dahil nga ayaw nitong makasal silang dalawa, kaya lang ay parehas lang naman sila kung tutuusin na walang choice kaya naman hindi makatarungan para sa kaniya ang ginagawa ng pinsan.
Inagaw niya kay Ayesha ang hawak nitong baso nang akmang maglalagay na ito ng tubig kaya naman gulat na napatingin ito sa kaniya. "Ako na ang humihingi ng dispensa sa inasal ni Sky. Hindi mo naman kailangang gawin ito dahil marami na silang kasambahay rito sa mansion," aniya rito bago bumaling sa isang kasambahay na naroon sa kusina. "Ate, pakidalhan naman ng tubig si Aila. Naroon siya sa sala kasama nina Sky," utos niya rito at saka inabot ang baso.
"Sige po, Sir."
"Salamat," tipid na sagot niya naman.
"Naiintindihan ko naman kung bakit iyon ginawa ni Sky," maya-maya ay nakayukong sagot ni Ayesha nang silang dalawa na lamang ang naroon. "Hindi ba at ayaw niyang may kahit na sinong maka-alam sa school ng tungkol sa aming dalawa. Kung hindi ako katulong dito, magtataka iyong bisita niya kung sino ba ako sa bahay na ito."
Napabuntong-hininga na lamang tuloy si Cloud. Hindi niya al kung paano pagagaanin ang loob nito kaya naman naisip niyang ibahin na lang ang usapan."Did you bake?" aniya at saka lumapit sa mesa kung saan ibinaba ng dalaga ang bitbit na cookies kanina.
"Y-Yes. Wala kasi akong magawa kanina kaya nag-bake na lang ako."
"Pwede ko bang tikman ito? Bigla kasi akong nagutom. Naalala ko na naman tuloy iyong brownies na gawa mo last time. Hinahanap-hanap ko na ang lasa because it taste so good."
Namangiting lumapit naman sa kaniya si Ayesha. Nagulat pa nga siya nang ito na mismo ang kumuha ng cookies at inumang sa bibig niya. Pero ng makabawi ay agad niya nang sinubo iyon. "Thank you," maya-maya ay hinging pasasalamat na nito.
"For what?" tanong naman niya habang ngumunguya pa.
Muli ay napayuko naman si Ayesha bago tumugon. "For always helping and comforting me."
"Hm? I think a thank you is not enough," biro niya na siyang nagpa-angat muli sa tingin ng dalaga. Ayesha gave her a clueless look kaya marahan siyang natawa. "How about you make some brownies for me if you are really thankful? Because you know, I am really craving for that."
"Sure! I'll make some for you. Pero not now, ha? Kasi may bisita si Sky so kailangan kong magkulong sa kwarto para hindi ko masira ang araw niya. Plus, it's almost lunch time na rin so dapat heavy meals na ang kainin niyo. I'll ask Manang Glenda to prepare foods na para sa inyo kasi hindi raw nag-breakfast kanina si Sky kaya for sure ay gutom na iyon," dire-diretsong sambit ng dalaga.
Nginitian niya na lang naman ito. Hindi talaga siya makapaniwalang kahit na parati itong pinakikitunguhan ni Sky ng hindi maganda ay concern pa rin dito si Ayesha. "I'll just have these cookies for dessert then,"
"Sure! You can share it with them too if they want. Marami naman iyan. But I am sure hindi kakainin 'yan ni Sky kaya huwag mo na siyang alukin mamaya, ha? Baka kasi sa'yo pa mabaling ang init ng ulo niya," tila nahihiya pa ngang turan ng dalaga.
"Paano ka pala? Hindi ka pa ba kakain ng lunch?"
"Papahatid na lang ako kay Manang Glenda mamaya."
"Sigu---"
"How long are you going to stay here with that girl?" naputol ang ano mang dapat ay sasabihin niya nang bigla na lamang lumitaw roon si Sky. Nakahalukipkip pa nga ito habang nakasandal sa pader at tila bored na bored na nakatingin sa kanilang dalawa. "I left my accounting book at school wala ring dala iyong tatlo. Do you have yours?"
"Nasa bahay."
"Let's go, get it kaysa nagsasayang ka ng oras diyan sa kausap mo," malamig pa ngang turan nito bago sila talikuran.
"Nevermind him," sambit niya naman kay Ayesha.
"Naku, okay lang. Huwag kang mag-alala. Sanay na ako sa kaniya."
"Mauna na ako, ha?" paalam niya pa bago patakbong sumunod kay Sky. Nasa iisang subdivision naman kasi sila nakatira kaya walking distance lang ang pagitan ng bahay nilang dalawa.
"Hey, Bro. Sa tingin ko ay sumosobra ka na kay Ayesha. Look, I know---"
"Do you like her? If you do, please lang kausapin mo si Mommy and tell her you want to marry that girl. She likes you too so I am sure papayag siya," putol naman nito sa Litanya niya. Kasalukuyan silang naglalakad ngayon papunta sa bahay nila para nga kunin ang libro niya.
"Ayan ka na naman, eh. Ilang beses ko na rin namang sinabi sa iyo 'di ba? Parang kapatid na ang turing ko kay Ayesha---"
"Huwag na lang natin siyang pag-usapan, Cloud. Ayokong nakikipagtalo nang dahil lang sa babaeng iyon."
Napailing na lang naman siya at hindi na nga umimik pa. Mukhang wala na nga talaga siyang magagawa para kumbinsihin ito na maging mabait naman kahit papano kay Ayesha. Dahil kahit pag banggit nga lang ng pangalan nito ay halos hindi pa magawa ni Sky.