"Thank you, Manong Amboy. Mag-ingat po kayo pauwi," paalam ni Ayesha sa Driver nang makababa siya sa sasakyan.
"Salamat po, Ma'am."
"Bye po! See you later!" Kumaway pa nga rito ang dalaga bago tuluyang naglakad papasok sa university campus.
At habang tinatahak niya ang daan papunta sa building ng college department na kinabibilangan niya ay bigla na lamang sumulpot galing kung saan ang babaeng kasama ni Sky kahapon sa harapan niya kaya naman nabangga niya ito at hindi niya alam kung aksidente lang ba o sadya talaga nitong tinapon sa kaniya ang hawak nitong frappe. Agad niya namang sinubukang punasan ang damit gamit ang panyo na dala ngunit nag-mantsa na talaga iyon sa suot niyang gray longsleeve shirt.
"Oh my gosh! I'm sorry, hindi ko sinasadya," hinging paumanhin ni Aila. Ngunit nang lingunin niya ang dalaga ay nakangisi naman ito and she doesn't seem apologetic at all. Pati nga ang dalawang kasama nitong babae ay nakangisi rin. "Ohh. Hi, Sky! Good morning." Biglang naging maamong tupa ang itsura ni Aila nang tawagin si Sky. Katulad niya ay kadarating lang din nito. May sarili na kasi itong sasakyan kaya hindi na nito kailangan ng driver na maghahatid at susundo sa kaniya. "Look , I bumped into your maid today and I accidentally spilled my drink on her."
"Serves her right. Sino ba kasing nagsabi na hindi siya tumingin sa dinaraanan niya," malamig na sagot naman nito at saka siya tinapunan ng masamang tingin. Kaya walang imik na nilampasan niya na lamang ang mga ito.
"Exactly my thoughts! She's so clumsy kasi. Nakita niya na ngang nasa harap niya ako pero hindi pa rin siya tumabi," dinig niya pa ngang maarteng sambit ni Aila.
Kahit naman kasi sabihin niyang hindi ito nagsasabi ng totoo ay paniguradong hindi naman siya paniniwalaan ni Sky kaya mas minabuti niya na lamang na umalis. Tinatahak niya na ang daan papunta sa banyo doon sa building nila para subukang gawan ng paraan ang marumi at malagkit na damit nang makasalubong niya naman si Storm kasama si Cloud.
"Hey! Why do you look dirty? Anong nangyare sa iyo? Nadapa ka ba? Or... Don't tell me Sky did that?" hindi makapaniwalang sambit ni Storm. Kaya tinignan ito ng masama ni Cloud.
"What do you take him for? Hindi naman ganoon kasama si Sky," sermon niya pa nga rito.
"Sabi ko nga, eh. Hindi na lang ako magsasalita."
"What happen?" baling naman nito sa kaniya kapagkuwan.
"May nakabangga kasi ako kanina and tumapon sa akin iyong iniinom niya kaya heto nga at narumihan ang suot ko,"
"Anong oras ang klase mo?"
Tumingin si Ayesa sa suot na relo."Fifteen minutes from now."
"Wala na tayong oras to buy you clothes," sagot naman ni Cloud at saka binuksan ang dalang bag at kinuha roon ang itim na t-shirt nito. "Here, isuot mo na muna ito," anang binata nang iabot sa kaniya ang damit.
"Take it, Yesha. Mas okay na iyang oversized shirt ni Cloud kaysa naman diyan sa damit mo. I'm sure magiging uncomfortable ka while wearing that at hindi ka makakapag-focus sa klase mo," turan naman ni Storm ng mapansin nag-aalinlangan siyang kunin ang damit ni Cloud.
At nang hindi pa rin siya kumilos ay si Cloud na mismo ang naglagay sa kamay niya ng damit. "I'll go buy you clothes so you'll be more comfortable. See you later." Hindi na siya hinintay pang makasagot ng binata at agad na nga itong umalis.
"Mag-iingat ka na. Tumingin kang mabuti sa daraanan mo and be careful of bullies. Bye!" sambit naman ni Storm at saka patakbong humabol kay Cloud. Maang na sinundan niya naman ng tingin ang dalawa pagkatapos ay napatingin siyang muli sa damit na ibinigay sa kaniya ni Cloud.
"Hindi ko na talaga alam kung anong mangyayari sa akin kung wala si Cloud. Parati na lang siyang dumarating sa tuwing nalalagay ako sa alanganin. He is indeed my knight in shining armour," nakangiting sambit pa nga ng dalaga bago dumiretso sa banyo para magpalit.
____
"Where is Cloud?" tanong ni Sky nang mapansin na wala pa ang pinsan samantalang five minutes na lang ay magsisimula na ang klase nila. Hindi pa naman ugali nitong ma-late at kahit nga may sakit ito ay pumapasok pa rin dahil nga ayaw na ayaw rin nitong ma-absent.
"He went out to buy Ayesha a dress. Nakasalubong kasi namin siya kanina while we are on our way here. Basa at may mantsa ang suot niyang damit, mabuti na lang at parating may dalang extra na damit si Cloud kaya ipinahiram niya muna sa kaniya. Kaya lang, iniisip kasi ni Cloud na masyadong malaki para kay Ayesha iyong damit and that she might feel uncomfortable wearing it the whole day kay bumili na lang siya," kibit-balikat na sagot naman ni Storm.
Napailing na lang tuloy si Sky. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ganoon na lamang ka-concern si Cloud kay Ayesha. Hindi siya kumbinsido sa sinasabi nitong dahil parang kapatid na ang turing nito sa dalaga.
"Hey, I do have this feeling that Cloud likes Ayesha. What do you think?" dinig niyang sambit ni Storm kay Thunder.
"Mind your own business. Lahat na lang binibigyan mo na malisya," sagot naman ni Thunder habang nakatutok pa rin ang tingin sa binabasang libro.
"Sky, how does it feel na hindi ikaw ang gusto ng fiance' mo samantalang ang daming babaeng nagkakandarapa para mapansin mo?" baling naman nito sa kaniya nang walang mapala sa kakampal.
He gave Storm a bored look. "Are you sure she doesn't like me?"
"Yes, I am a hundred and one percent sure that she doesn't like you," nakangising sagot naman ng kaibigan.
"Shut up, Storm. Don't provoke Sky. Nakita mo na ngang sobra-sobra ng ang pagtrato niya kay Ayesha gusto mo pang gatungan," saway naman dito ni Thunder.
"If she really doesn't like me, sana ay matagal na siyang umurong sa kasal na sinasabi ni Mommy. Hindi siya tumututol dahil deep inside her ay gusto niya naman talaga akong pakasalan."
"I don't think that's the case, Pare. Alam mong masunurin lang talaga si Ayesha. Katulad mo ay wala rin lang siyang choice," giit pa nga ni Storm. Hindi na lang naman siya sumagot. Wala rin naman siyang mapapala kung makikipagtalo siya rito dahil alam naman niyang gusto lang talaga siyang asarin nito. Wala rin naman siyang pakealam kung may gusto o wala sa kaniya si Ayesha. Mas mabuti nga kung wala dahil may chance pa na ito na mismo ang umurong once na ma-inlove ito or once na magkaroon ito ng boyfriend.